Alex Gonzaga, Nalugi ng Husto Dahil sa Ginawa Kay Allan!

Lunes, Enero 30, 2023

/ by Lovely


Muling naging laman ng talakayan nina Manay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa kanilang Youtube vlog na Showbiz Now Na.

Ayon sa kanilang, pag-uusap malaki ang naging epekto sa career ni Alex sa kanyang padalos-dalos na galaw noong nakaraang birthday celebration niya. Tila nanganganib umano ang career ngayon ni Alex dahil sa galit ng ilang mga netizens.

Hindi rin umano nakatulong ang naglabasang pahayag ng mga dating kasamahan ni Alex sa trabaho. Tiyak umano maapektuhan ang mga produktong iniendorso niya at sa darating pa lamang na endorsements.

"Napakalaking pagkalugi... alam niyo po mga ka-chika, kung sa pelikula at telebisyon 'Di masyadong kumikita ang mga artista ngayon dahil sa pandemya pa rin. Sabihin na natin, talagang naapektuhan ng COVID-19. Pagdating po sa tagapag-endorso, yung TVC po na tinatawag, TV commercial, diyan sila bumabawi."

Ipinahayag pa nila na hindi kaagad na malilimutan ng mga netizens ang ginawa ni Alex Gonzaga na tila ba ay nakatatak na ito sa kanyang karakter.

"Kumbaga sa sampung pangalan na nasa listahan, nasa dulo po si Alex ngayon. Pero pasasaan ba isang araw, huhupa rin ang mga issue. Pero mahihirapan na makalimot ang ating mga kababayan... Malaki-laking panghihinayang ito. Oportunidad itong nawala sa kanya."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo