AC Soriano, sasabayan ang concert ni Toni Gonzaga! 'I am Otin' naman sa Kanya!

Miyerkules, Enero 11, 2023

/ by Lovely


Masayang inanunsyo ng online sensation at “Ultimate Multidogshow Superstar” na si AC Soriano ang kaniyang nalalapit na virtual concert na “I Am… Otin,” na siyang parody ng anniversary concert ni Toni Gonzaga sa kanyang social media post.

Sa kanyang tweet, inilabas ni AC ang “ticket pricing” ng kaniyang virtual concert na magaganap sa January 20, kasabay ng concert ni Toni para sa kanyang 20th anniversary at kaarawan din niya.

Inaasahang ilalabas ni AC ang official poster ng kaniyang virtual concert na siyang mapapanood sa kaniyang TikTok account.

Matatandaang noong nakaraang Abril 2022 kinaaliwan ng ilang mga netizens ang paandar noon ni AC na siyang nagpasikat ng “Your Daughter Is Sleeping With My Husband” remix mula sa hit teleseryeng “The Broken Marriage Vow” na pinagbidahan ng isa sa kanyang ini-impersonate na si Jodi Sta. Maria.

Nag-viral din si AC sa kaniyang mga parody skits na ginagaya ang pananalita, pag-arte, pagkanta, at pananamit ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo