Raquel Pempengco, Muling Humihingi ng Tulong Kay Jake Zyrus!

Miyerkules, Disyembre 14, 2022

/ by Lovely


Muling humingi ng tulong ang ina ni Charice Pempengco aka Jake Zyrus na si Raquel Pempengco na sana ay matulungan ni Jake Zyrus ang kanyang nag-iisang kapatid na si Carl Pempengco dahil nagka mild stroke ito.

Inatake umano ng mild stroke ang kapatid ni Charice habang nagmomotorsiklo. Agad naman itong isinugod sa hospital sa Muntinlupa City noong nakaraang byernes December 9, 2022.

Sumailalim sa CT scan at ECG si Carl mataposintake ng highbloodd habang nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo, at hindi naigagalaw ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

Agad naman umanong nagpadala ng text message si Raquel para sa kanyang anak na si Jake na kasalukuyang nasa Amerika. Subalit hindi ito nakatanggap ng tugon mula sa singer.

“Sana, kahit ang kapatid na lang niya ang kanyang pansinin at kahit wala nang Pasko dahil sanay na ako na hindi kami kumpleto,” malungkot na pahayag ni Raquel.

Matatandaang hindi umuwi ng Pilipinas si Jake nang mamatay ang kaniyang lola at tiyuhin, na halos magkasunuran lamang noong April 2022.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo