Ogie Diaz Binigyan ng Payo si Marco Alcaraz Matapos Ma-bash!

Martes, Disyembre 13, 2022

/ by Lovely


Viral ngayon sa social media ang video ng pagkanta ni Marco Alcaraz sa isang beauty pageant sa isang kapistahan.

Talagang hindi maikakaila ang nasabing video dahil isa itong live feed.

Kaya naman agad na nagbigay ng payo ang talent manager na si Ogie Diaz kay Marco. Ayon dito, dapat na mag-ingat ang mga performer lalo na sa panahon ngayon na marami na ang makakakuha ng mga resibo at ebedinsya sa mga pinaggagawa nila on-stage.

"Siyempre may mga ebidensya. May mga resibo na yan. Kung napakahusay naman ng tinig ni Marco Alcaraz, malamang yan maba-viral yan. Maba-viral lalo kapag palpak ang boses, sintunado," pahayag ni Ogie Diaz.

"Magandang lesson ito para sa mga actors natin na tumatanggap ng raket. Make sure lang na 'pag kakanta kayo ng solo, 'wag na kayong manghaharana. Lalo na 'yung mga babae. Gusto nila naririnig magagandang tinig. Mas gusto nila singer talaga hindi yung actor na acting ang kayang gawin. May resibo nga... Next time ba kukunin ulit siya matapos mapanood yan," paliwanag pa ni Ogie. 

Mabuti na lamang umano ay gwapo ito kahit pa ang boses ay sintunado.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo