Noel Trinidad Aminadong Hirap Na Hirap Nang Makarinig!

Lunes, Disyembre 12, 2022

/ by Lovely


 Aminado ang veteran actor na si Noel Trinidad na nahihirapan na siyang makadinig.

Sa nangyaring presscon para sa pelikulang  Family Matters, kinailangan pang ipa-ulit-ulit ni Noel ang mga katanungan sa kanya upang mas maiintindihan.

Labis namang nagpapasalamat si Noel sa kanyang katabi na si Agot Isidro dahil sa pag-uulit at pagpapaliwanag sa kanya sa mga katanungan.

“That’s why I have to keep consulting, ‘Ano? Ano raw?’ This is one of the difficulties that I had while we were shooting. Naging running joke na nga, e, because the director would come to us and explain the scene, everything ongoing." pahayag ng beteranong aktor.

Inamin din nito na minsan ay napu-frustrate na rin siya sa kanyang sitwasyon nagpapasalat din siya sa mga tumulong at naging mapagpasensya sa kanyang sitwasyon.

“So in that case, ang hirap! But it was also the most pleasant shooting I’ve ever experienced and that’s because of these people. We were really one happy family. During breaks, meron kaming sayawan, you know. Nakasama na nga ako sa TikTok dahil sa mga sayaw na tinuturo nila sa akin. So it was a terrific group. Masaya! Masayang-masaya! Kahit na mahirap na mahirap, ang saya-saya namin. Kaming dalawa ni Liza, we spend the time singing old songs," pagbabagi pa ni Noel.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo