Nadine Lustre, Umalma sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa Isyung Pang-iisnab ni Deanna Wong!

Linggo, Disyembre 11, 2022

/ by Lovely

Dus

Dismayado ang actress-singer na si Nadine Lustre sa pagkaka-ungkat ng isang panayam niya noong nakaraang taon na iniuugnay ng mga netizens sa isyung kinakaharap ngayon ni Deanna Wong.

Sinabihan din ni Nadine ang mga ito na dapat nilang tingnan ang kabuuan ng kanyang interview.

Labis na pagkadismaya ang nararamdaman ngayon ni Nadine Lustre sa ilang mga netizens na nagpapakalat ng isang video clip na umano'y tugon niya sa pang-iisnub ng volleyball player na si Deanna Wong.

Sa kanyang Twitter account, mababasang nag-react si Nadine sa pagkalat at pagkakaugnay sa kanya kay Deanna. Ipinagdidiinan din ni Nadine na matagal na ang nasabing interview at wala itong kinalaman sa pang-iisnub o kung ano man kay Deanna Wong.

"I hope y'all watch this video so you see the whole picture. This interview was last year and is NOT a response or comment to Deanna Wong," tweet ni Nadine.

Hinihikayat din niya ang lahat na panoodin ng buo ang kanyang interview upang malaman ang buong kwento.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo