Matet De Leon Taas Noong Binanatan ang mga Bashers!

Biyernes, Disyembre 9, 2022

/ by Lovely


Talagang hindi inuurungan ng aktres na si Matet De Leon ang mga netizens na tumutuligsa sa kanya matapos niyang maglabas ng sama ng loob sa kanyang kinikilalang ina na si Nora Aunor.

Nag-ugat ang lahat nang malaman niya na kinakumpitensya ng kanyang ina ang negosyo nila ng kanyang asawa. Pinagsabihan din umano sila na magparaya na lamang at mag resell na lamang ng produkto nito.

Noong December 7, ibinahagi ni Matet sa kanyang Instagram feed ang isang post kung saan nagbahagi siya ng napapanahong advice para sa lahat.

"Re post ko lang.. Lapag ko lang dito.. Paki intindi na lang.. 😂 Napapanahong advice para sa lahat.. Nababasa ko mga messages of concern ninyo at gusto ko mag thank you!!! Ngayon lang ako nagka haters ng may social media na hahaha Nakakadagdag lang yun sa sakit at di ko bet na nawawala yung punto ko dahil sa kabulagan ng marami. Marami pa kayong hindi alam.. But anyway, wala naman akong pake. So paki intindi na lang mga gusto ko talagang sabihin dito sa video na to. Have a nice day yall!" caption ni Matet sa kanyang IG post.

Samantala sa kanyang IG stories, ipinagsisigawan niya sa lahat na isa siyang ampon.

“Starting today, I will be focusing on my family, my business and the people who deserve my love and friendship. Again, thank you for all your love and support.

Pahabol pa niyang hirit, “Itaas ang bandera ng mga ampon! LABAAAAAAAAN!”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo