Matet de Leon Ibinahagi Ang Naging Pag-uusap nila Ni Nora Aunor Hinggil Sa Negosyo!

Lunes, Disyembre 12, 2022

/ by Lovely

 


Ibinahagi ni Matet De Leon sa kanyang recent interview ang naging usapan nila ng kanyang kinikilalang ina na si Nora Aunor hinggil sa gourmet tuyo business.

Nito lamang December 12, inimbitahan ni Ogie Diaz si Matet De Leon sa isang panayam upang masagot nito ang isyu sa pagitan nila ng kanyang ina.

Inamin naman ni Ogie Diaz na nagdalawang isip si Matet na paunlakan ang kanyang interview dahil ayaw na umano nitong palakihin pa ang isyu.

Isiniwalat ni Matet ang naging usapan nila ng ina matapos umano nitong sinend sa kanya ang picture ng sariling gourmet tuyo business. Sinabi umano ni Nora na marami naman siyang taping kaya pinapaatras na lamang siya sa negosyo.

Sinabihan naman din daw niya ang ina na ang negosyo na lamang nila ang pinagkakakitaan nilang mag-asawa.

"Sabi ko, 'Wala na po, ma. Walang-wala na kami. Walang-wala na po kami. Ito na lang negosyo ang meron kami.' Ganyan ganyan. 'Imposible, Matet.' Yun ang sagot niya sa akin,” Matet said, before eventually adding, "Bilib din naman ako sa bilib ng nanay ko sa amin na akala ni mommy na sikat na sikat pa kaming tatlo ano?" pagbabahagi pa ni Matet.

Kapag tinatanong naman umano niya ang ina kung ano ang punto nito ay sinasabihan lamang siya na wala nang respeto.

Tila ang gustong pagrespeto pa umano na gusto ni Nora ay itigil na lamang nilang mag-asawa ang kanilang negosyo para rito. Subalit hindi umano ito maaaring gawin ni Matet dahil ito na lamang ang bumubuhay sa kanila dahil wala na silang trabaho.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo