Kim Atienza Nagre-Act Sa Litrato Ni Ateneo Player Dave Ildefonso!

Biyernes, Disyembre 23, 2022

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan ng 6’5″ power forward ng Ateneo Blue Eagles na si Dave Ildefonso matapos i-post ni Kuya Kim Atienza na kahawig niya ito.

Sa Facebook post ni Kuya Kim nitong Miyerkules, ibinahagi niya ang larawan ni Ildefonso na nakauniporme pa ng basketball habang nakaupo hawak ang kanilang championship trophy sa katatapos na UAAP Season 85 men’s basketball.

Sa nasabing larawan ni Ildefonso, kapansin-pansin ang pagkakahawig nito kay Kuya Kim.

“Hindi ako yaaan eh, Good morning FB fam,” pabirong saad ni Kuya Kim sa caption ng kanyang FB post.

Kaagad na umani ng sanu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang pagbibiro ni Kuya Kim.

“Kuya Kim, goodluck papuntang Korea,” komento ng isang netizen.

“Congrats Kuya Kim Kuya Kim Atienza. Cyclist, Runner, Vlogger, Biker and a Champion Basketball player," hirit naman ng isa pa.

"Congrats kuya Kim👏👏👏🤭🤭🤭 back to u guys."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo