Kalagayan Ni Kris Aquino sa Amerika Ipinasilip!

Huwebes, Disyembre 1, 2022

/ by Lovely

Ibinahagi ng isang segment writer ng ABS-CBN  na si Darla Sauler ang larawan ng Queen Of All Media na kasalukuyang nagpapagamot sa Amerika.

Ito ang pinaka-latest na larawan ni Kris Aquino na ipinakita sa social media matapos manahimik ng aktres dala ng kanyang medical conditions.

"You always make time for family. Happy to visit and catch up with you and the kids while you’re in the US, Krisy. Continuously praying for your well-being. Love, love, love you, Bimb and Kuya always, @krisaquino. 🤍" caption ni Darla sa kanyang Instagram post. 

Hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon ang segment writer hinggil sa kalagayan ni Kris Aquino bukod sa larawang ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Matatandaang naging usap-usapan ang latest Instagra post ni Kris Aquino matapos nitong magbigay ng open letter para sa kanyang ama. Tila isa itong sagot sa upcoming movie ni Direk Darryl Yap na Martyr or Murderer, kung saan kasama sa tauhan ng nasabing pelikula ang kanyang ama na si Dating Senador Ninoy Aquino Sr.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo