Herlene Budol, Ipinasilip Ang Kanyang Plan B NatCos Na Susuotin Sana Sa Uganda!

Martes, Disyembre 6, 2022

/ by Lovely


 Ibinahagi ng Bb. Pilipinas 2022 first runner up na si Herlene Nicole Budol ang ginawang Plan B ng kanyang team na National Costume na susuotin sana niya sa Miss Planet International 2022 sa Uganda.

Matatandaang nagkaroon ng madaliang pagpapalit ng costume si Herlene matapos masira ang naunang costume sa airlines papuntang Uganda.

Ayon kay Herlene na ang una niyang NatCos ay gawa ng designer na si Patrick Isorena na 'Karitela ng Kalabaw'. Samantalang, gawa naman ni Marbin J. Garcia ang Plan B NatCos na 'Pearl of the Orient Sea'.

Labis naman ang pasasalamat ni Herlene sa lahat ng sumuporta sa kanya at nag-asikaso sa kanya sa kanyang pageant journey.

Nauna nang ipinahayag ng talent manager ni Herlene Budol ang kanyang pagwithdraw sa Miss Planet International, bago pa man ito iniurong sa darating na January 2023. Sa halip na sa Uganda gaganapin na ang pageant sa Cambodia.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo