Heaven Peralejo Sinabing Nasarapan sa Halik ni Ian Veneracion!

Biyernes, Disyembre 16, 2022

/ by Lovely


Sa naganap na media conference para sa Prlikula nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo na 'Nananahimik ang Gabi', naitanong sa aktres kung ano ang masasabi niya sa pagti-trending ng mga love scenes nila ni Ian Veneracion.

Ayon kay Heaven, nagpapasalamat siya dahil natupad ang kanilang goal na umingay ang kanilang pelikula.

“Umingay nga po, wala na ako masyadong marinig sa sobrang ingay.  Pero I’m thankful na umingay kasi iyon talaga ‘yung kailangan para maraming manood. Kaya I’m happy na kahit konti lang ‘yung scene na nakita n’yo ang lakas ng tensyon at hindi naman sobrang bold na kailangan kita lahat para magkaroon ng init,” pahayag ni Heaven.

Naitanong din sa actress kung masarap bang humalik si Ian, natatawang sagot ni Heaven na ang aktor na lamang ang tanungin kung masarap ba siyang humalik.

Subalit nagbigay pa rin ng sagot si Heaven sa mga curious na netizens.

“As Me-ann ako sumasagot sa inyo, huh.  I think, yes..okay siya (Ian), ha, hahaha,” tawa ulit nang tawang pahayag ni Heaven.

Subalit, nilinaw naman ni Heaven na may limitasyon ang lahat ng ipinapakita niya sa mga eksena ng pelikula.

“Opo, maraming limitations siguro ‘yung sa pakita, the way it will be shot.  So, ang nangyari before sumabak sa film shooting, lahat per scene, per scene.  Lahat ‘yan may shots na, so, makikita ko na kung anong klaseng shot ‘yung gagawin as in may graphics na parang anime na yung mukha namin nandoon sa nakikita namin kung anong shots ang gagawin. Ganu’n sila ka-respeto sa akin, nakakatuwa,” paliwanag ng aktres.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo