Edu Manzano at Cherry Pie, Hiwalay Na Raw?

Huwebes, Disyembre 22, 2022

/ by Lovely


Iniintriga ngayon ang relasyon ng premyadong aktor at aktres na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache. Tila naghiwalay na umano ang dalawa dahil hindi na nagbabahagi ang mga litrato o video nilang magkasama, sa kani-kanilang mga social media accounts.

Tila agad namang pinabulaanan ng dalawa ang pan-iintriga ng mga netizens. Kaagad silang nagpakita ng resibo matatag pa rin ang kanilang relasyon.

Sa Instagram account ni Cherry Pie, makikitang kasama niya si Edu sa bahay ng kaniyang kamag-anak sa New Zealand.

Samantala, ibinahagi naman ni Edu ang mga larawan nila ni Cherie Pie kasama si Cavite Governor Jonvic Remulla.

“Had a fun Saturday night w/ good food and music at the newly-opened @Pat&Pat QC. Maraming salamat Gov. Jonvic Remulla @jonvicremulla Mr. & Mrs. Pato and Marichelle Gregorio and the gorgeous Ms. @yescppicache Pie Picache. Perfectly chill evening,” saad ni Edu sa kaniyang caption.

“Thank you good looking,” pahayag naman ni Cherry Pie sa komento.

Nagsimula ang relasyon nina Edu at Cherry Pie sa set ng “Marry Me Marry You” noong 2021.

Biro ni Luis Manzano, anak nina Edu at Star For All Seasons Vilma Santos, kung magkakaroon ulit ng prangkisa ang ABS-CBN, baka sina Cherry Pie at Edu raw ang titibag sa sikat na tambalang “KathNiel” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo