Dila ni Alex Gonzaga, masyadong Barubal / Cristy Fermin Naranasan Din Ang Pagiging Late ni Alex!

Martes, Disyembre 20, 2022

/ by Lovely


Muli ay naging laman ng usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at guest co-host na si Wendell Alvarez sa entertainment vlog na “Showbiz Now Na” ay ang hidwaan sa pagitan ng fans ng host-actress-vlogger na si Alex Gonzaga at batikang aktres na si Dina Bonnevie.

Pinamagatan pa nila ang kanilang vlog ng “Dila ni Alex Gonzaga, Barubal!” maging sina Sarah Geronimo at Kris Aquino ay napasama rin sa kanilang usapan.

Muling naungkat ang dating panayam ni Dina, kung saan may isa umanong baguhang artista na nagfe-feeling diva sa isang set. Hindi naman niya ito pinangalanan subalit tila nasagot ang lahat nang ilabas ni Alex Gonzaga ang kanya podcast na pinamagatang 'Ano Na Catherine'.

Agad naman itong pinagdidebatehan ng mga tagahang ng magkabilang panig. Kaya naman maging sina Cristy Fermin ay naglabas na rin ng kanilang opinyon hinggil rito.

Ayon sa usapan nila, kung talagang si Alex nga ang tinutukoy ni Dina, sana raw ay matuto itong rumespeto sa kaniyang co-stars, lalo na’t puro senior stars na pala ang mga kasama niya. Dapat siya ang nauuna sa set bilang pagpapakita ng paggalang sa lahat. Kung may iba naman siyang tranaho, sana raw ay matuto siyang manimbang kung ano ang kailangan niyang bitiwan, o mag-isip ng paraan kung paano hindi makapagdudulot ng perwisyo sa iba.

Naibahagi din Cristy Fermin na personal niyang naranasan ang pagiging “late” ni Alex, sa ginawa nilang show na “Juicy”. Katwiran daw nito na madaling-araw na siyang natatapos sa isa pang proyektong kinabibilangan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo