Darryl Yap Naghahanap Na Ng Artistang Gaganap Bilang Digong, Miriam, Leni, at VP Sara!

Miyerkules, Disyembre 7, 2022

/ by Lovely


Hindi pa man ipinalabas ang sequel ng pelikula ni Direk Darryl Yap na Maid in Malacanang, tila agad na itong masusundan.

Makikita sa isang social media post ng controversial director na naghahanap siya ng mga artista na maaring gumanap bilang Rodrigo Duterte, Mirriam Santiago, Leni Robredo at VP Sara Duterte para sa kanyang pangatlong pelikula na Mabuhay Aloha Mabuhay.

“Habang nagbabyahe kami papuntang Pagudpud, tumawag ang boss ko at narealize ko na Dec 7 pala ang binigay ng Viva para sa final casting ko ng #MAM o MABUHAY ALOHA MABUHAY, ang part 3, kung saan aabot na ito sa pagkapanalo ni PBBM ngayong 2022.

“Aside from having artistas for the Marcoses sa kanilang current age, sumasakit ang ulo ko sa tanong na ito: Sino ang gaganap na RODRIGO DUTERTE, INDAY SARA DUTERTE, LENI ROBREDO, MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO, ngumunguya na ako ng 4 na biogesic,” pahayag ni Direk Darryl Yap.

Sa comment section naman ng nasabing post nagkanya-kanyang mungkahi ang ilang mga netizens kung sino ang sa tingin nila ay nararapat sa mga nasabing roles.

Subalit, karamihan sa kanilang mga napupusuang artista ay puro kakampink, malaking katanungan tuloy ngayon kung papayag ba ang mga ito?

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo