China Roces Nahanap Na sa Wakas ang Kanyang True Love!

Biyernes, Disyembre 23, 2022

/ by Lovely


Matapos makaranas ng mga heartbreaks, failed relationships, sa wakas ay natagpuan na ng vlogger at businesswoman na si China Roces ang kanyang true love.

Kamakailan lamang, ikinasal si China Roces sa kanyang kaibigan at kasosyo sa negosyo na si David Santos, sa ParaƱaque City Hall. Ang seremonya ay sinaksihan ng kanilang mga kapamilya at pinangunahan ng presiding judge na si Marisa Buenagua.

Nagpasya ang mag-asawa na magkaroon ng isang simple, civil na kasal kasama ang kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan lamang ang dumalo. Plano nilang magdaos ng church wedding.

“We decided to have a civil wedding to make everything formal. Para maging official na lahat sa pagsasama namin. I am forty. I’m not getting any younger,” pahayag ni China Roces.

Dagdag pa nito, “Pinili namin intimate friends and family lang kasi if I will invite all my friends, sobrang dami na agad. So we made this wedding very special, very exclusive for our closest friends.”

Naging magkasintahan lamang sila noong nakaraang May, pagkatapos ng apat na taong pagkakakilala at pagiging magkaibigan.

“Friends pa lang kami, partner ko siya palagi in many business deals. ‘Pag meron kaming binebenta, kami ang magkatulong. We always do business. He has a trading business and he is a shareholder of a security agency,” pagbabahagi ni China.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo