Xian Gaza pinayuhan si Barbie: Huwag na huwag ka na ulit magpapadala sa silakbo ng damdamin

Biyernes, Nobyembre 4, 2022

/ by Sparkle


Nagbigay ng payo ang lalaking Pambansang Marites na si Xian Gaza sa kanyang "crush" at dating nililigawan na si Barbie Imperial.

“Sabi ko kay Barbie, big lesson learned na yan for you. Huwag na huwag ka na ulit magpapadala sa silakbo ng damdamin dahil walang maidudulot yan kun’di kapahamakan lamang,” saad ni Xian.

Paliwanag ni Xian, lahat ng maling desisyon na ginagawa ng isang tao sa buhay ay nanggagaling sa tuwing pinapagana nito ang kanilang emosyon, na kadalasang dahilan kung bakit nasasaktan ang isang tao.

Hindi man direktang tinag ni Xian si Barbie, nakuha ng netizens na ang dalaga ang pinatutungkulan dito.

Matatandaang isa sa mga mainit na pinag-uusapan ngayon ng publiko ay ang umano'y away nina Barbie at Viva artist na si Debbie Garcia na umabot na sa demanda.

“Nag-submit ng CCTV footage sa media pero putol para hindi natin makita kung paano niya pinrovoke. Mahinang nilalang. Magaling lang mang-agaw ng jowa,” sey ni Xian.

Samantala, binura na ng Facebook account ni Xian ang lahat ng posts niya na may kinalaman sa isyu nina Debbie at Barbie.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo