Xander Ford Ninanais Na Sa Kanya Nalang Ibigay Ni Donnalyn Ang 195K!

Huwebes, Nobyembre 24, 2022

/ by Lovely


Pinapatunayan ni Donnalyn Bartolome na hindi totoo ang pahayag ni Xian Gaza at kaya niyang magbayad sa isang mamahaling bar.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Donnalyn sa kanyang Facebook page na nakahanda na ang perang ibibigay niya kay Xian Gaza bilang reimburse sa binayaran nito sa isang mamahaling bar sa Singapore.

Subalit, hindi pa rin ibinibigay ni Xian ang kanyang bank account kay Donnalyn sa kadahilanang ayaw niyang magmukhang hampaslupa.

Kaya naman nagkomento si Xander Ford na ibigay na lamang sa kanya ang 195K dahil mas kailangan umano niya ito ngayon. Matatandaang nauna nang ibinahagi ni Xander na nangangailangan sila ngayon ng malaking halaga sa pagpapaopera sa mga magulang ng kanyang partner. Matapos masangkot sa isang motor accident.

Agad namang sumagot si Xian at ibinahagi na ipinagdadasal niya ang paggaling ng mga ito.

Samantalang, wala pa tugon si Donnalyn Bartolome sa hiling ni Xander Ford.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo