Vina Morales May Balik Na Sa Pakikipag-Date!

Miyerkules, Nobyembre 30, 2022

/ by Lovely


Tila may bagong lalaki si Vina Morales sa kanyang buhay.

Nagbabahagi ang batikang aktres at singer ng mga larawan na nagpapakita ng kanyang bakasyon sa Boracay na tila nag-e-enjoy kasama ang isang hindi pa pinakilalang lalaki.

Makikita naman sa isa sa mga larawan, si Vina all cozied up with her rumored boyfriend habang nasa isang dinner date malapit sa beach.

“Toasting to what I’m thankful for. Happy thanksgiving!” caption ni Vina sa kanyang Instagram post.

Sa ibang Instagram post, ibinahagi naman ni Vina ang moments nila ng kanyang rumored boyfriend habang nakasakay sa clear kayak. Maging sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi rin ni Vina ang iba pa nilang adventures sa bora.

Matatandaang, naghiwalay sina Vina Morales at kanyang French boyfriend noong 2017 matapos ang dalawang taon na pagdi-date.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo