Vice Ganda Muling Nagbigay Ng P300000 Para Sa Lahat Ng Staff Ng It's Showtime!

Biyernes, Nobyembre 18, 2022

/ by Lovely


 Muling nagbigay ng maagang pamasko si Vice Ganda sa lahat ng mga staff ng It's Showtime.

Matapos ang magpasikat performance nina Vice Ganda nagbigay-pugay siya sa lahat ng mga manggagawa, mga PWD's. Nagbigay din siya ng maagang pamasko para sa lahat ng staff ng It's Showtime.

Nagbigay din siya ng mensahe para sa mga ito at sinabing malaki ang kanilang ginampanang papel upang patuloy na makakapagbigay ng saya sa lahat ang show.

“Maraming, maraming salamat. Napakalaki ng ginagawa niyo para sa programang ito. I would personally like to apologize kung meron tayong minsan hindi pagkakaunawaan,” pahayag ng host.

“Lahat ‘yun, nangyayari lang dahil pinipilit nating gampanan ang ating mga obligasyon para sa programa, sa audience natin, sa network. Lahat naman ng iyon, all coming from love. Hindi maiiwasan iyon sa isang pamilya.”

Bukod pa rito ang sampong wheelchair na ibibigay ni Vice sa lahat ng mga nangangailangan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo