Sylvia Sanchez Hindi Makikialam Sa Relasyon Nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde!

Miyerkules, Nobyembre 23, 2022

/ by Lovely


Hindi makikialam ang aktres na si Sylvia Sanchez sa lovelife ng mga anak dahil hindi naman umano siya ang makikisama sa mga magiging partner nito.

Samantala, sa kanyang Instagram account ibinahagi niya ang mga larawan nila kasama si Zanjoe Marudo habang kumakain.

“Thank u for spending time with us Z @onlyzanjoemarudo. I’m looking forward to know you more,” sey ng ina nina Ria at Arjo Atayde.

Agad naman nagbigay ng komento ang isa sa mga malapit na kaibigan ni Ria at sinabing, "happy ako na happy ka, Tita."

Sinagot naman ito kaagad ni Sylvia at sinabing, “Kahit sino ang mamahalin ni Ria, okay sa akin. Basta happy bestfriend mo, happy na rin ako. Wag ako makialam haha hindi ako ang makikisama ahahaha.”

Matatandaang nauna nang nilinaw ni Sylvia Sanchez na kasalukuyang nasa 'dating stage' pa lamang ang kanyang anak at si Zanjoe Marudo. Pinabulaanan din ni Sylvia ang naunang isyu na buntis at nagpakasal na ang dalawa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo