Super Tekla at Donita Nose May Namumuong Iringan!

Linggo, Nobyembre 6, 2022

/ by Lovely


Tila may namumuong tension sa pagitan ng dating magka-tandem na sina Donita Nose at Super Tekla.

Unang nagpost si Donita at tinawag ang pansin ni Super Tekla. Sabi nito, huwag siyang simulan. Tila sinagot naman ito ng post ni Tekla at sinabing, siya ang tatapos sa sinimulan nito.

Nagtuloy-tuloy pa ang mga parinigan nila, hangga't maglabas ng video si Super Tekla at sinabing huwag nang daanin pa sa pagpaparinig ang lahat. Ilabas umano nito ang lahat kung totoong matapang siya.

“Puny**a ka, Donita! Alam mo para kang lata. Para kang latang kinakalawang; pag sinisipa mo sa daan, tunog nang tunog kasi walang laman. Inamez! Ilabas mo, nag-aantay ako. Pinupuyat mo ‘yung mga tao. Niloloko mo ‘yung mga tao, nag-aantay. Nyemas ka. Inamez, bansot," gigil na gigil na pahayag ni Tekla.

Agad din namang naglabas ng video si Donita at sinabing maghintay lamang ito at ilalabas niya ang lahat. Sinabi rin niya na hindi siya natatakot kay Tekla.

Matatandaang tumigil sa kanilang vlog ang tandem ang dalawa dahil hindi na umano sila nagkakasundo sa mga gagawing content. Isiniwalat din noon ni Donita na tamad umano gumawa ng content si Tekla.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo