Sarah Geronimo, Hindi Pa Napapatawad Ng Mga Magulang At Kapatid! Dineadma!

Huwebes, Nobyembre 3, 2022

/ by Lovely


Muling napag-usapan nina Manay Cristy Fermin, Rommel Chika at Morly Alinio sa kanilang Youtube vlog na Showbiz Now Na, ang usapin tungkol sa alitan sa pagitan nina Sarah Geronimo at sa mga magulang nito.

Ayon kay Manay Cristy Fermin, halos araw-araw umanong nagti-text si Sarah sa kanyang mga magulang at kapatid. Ngunit, ni minsan ay hindi nakatanggap ng reply.

“Eto ang kwento. Isang source ko ang nagsabi na araw-araw pala halos na nagte-text si Sarah sa kanyang mga magulang, sa kanyang mga kapatid, pero walang sagot,” chika ni Manay Cristy Fermin.

Agad namang napatanong ang kanyang mga kasamahan kung ano ang dahilan kung bakit dinideadma ng pamilya nito ang mga mensahe ni Sarah Geronimo.

“Hindi natin alam kung bakit. Maaaring hindi pa sila handa na tanggapin ang desisyon na ginawa ni Sarah,” sagot ni Manay.

Matatandaang, nagkaroon ng lamat ang relasyon sa pagitan nina Sarah Geronimo at kanyang mga magulang nang magpakasal ang singer kay Mateo Guidicelli noong 2020 sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng ina nitong si Mommy Divine.

Ilang araw na rin ang nakalipas matapos isinapubliko ni Sarah ang kanyang apology letter para sa kanyang pamilya matapos ang mahigit dalawang taon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo