"Otlum" PJ Dela Cruz, Humihingi Ng Tulong Matapos Isugod Sa Ospital!

Martes, Nobyembre 22, 2022

/ by Lovely


Humihingi ngayon ng tulong pinansyal si PJ Dela Cruz aka Otlum matapos niyang isugod sa ospital.

Ibinahagi ng kaibigan nitong si China Roces, na kailangang sumailalim sa dialysis si Otlum dahil na damage ang kanyang kidney dahil sa sakit na leptospirosis.

Ayon kay Otlum, masakit sa kanyang parte na kailangan niyang humingi ng tulong mula sa mga taong may busilak na puso para sa kanyang pagpapagamot. Subalit kinakailangan niya itong gawin dahil hindi kaya ng kita ang gagastusin sa pagpapa-dialysis.

Pinapasalamatan din niya si China dahil hindi siya nito iniwan sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanya.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo