Nadine Lustre Pinaghahanap Ang Admin Ng Page Na Nanlait Sa Kanya!

Linggo, Nobyembre 13, 2022

/ by Lovely


Tila hindi na nakapagtimpi si Nadine sa panlalait sa kanyang kulay dahil sa kaka-surf ng isang Facebook page.

Ayon sa Facebook post ng isang page, mura na ug napagtong ang nawong ni Nadine Lustre (nasunog na ang mukha ni Nadine Lustre).

Base sa Tagalog translation ng Facebook post, “Para nang nasunog ang mukha ni Island Girl Nadine at umitim na ang kulay nang kutis nitong babaeng itong parati na lang nag-surfing sa isla. Walang problema ang kaniyang nobyo na may lahing French, namumula lang ang kutis kapag nainitan, pero si Nadine konti na lang kulang puwede nang gawing kasabwat na pulubi dahil sa kaitiman. Inday Nadine, malapit ka na talagang ma-certified island girl. Oh baka naman may bago na namang movie na darating. Ang Serina na Negra.”

Tila hindi napuno si Nadine sa panlalait na ito ng nasabing page. Sa kanyang tweet tinawag niya itong trash. Tila pinapahanap din ng aktres kung sino ang admin ng nasabing page at sinabing nais niyang malaman kung sino ito upang makapag-hello.

“Also if anyone finds out who owns that page lmk. I just wanna say hello."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo