Lolit Solis Pinakikialaman Ang Pagiging Fangirl ni Kim Chiu Sa Blackpink!

Lunes, Nobyembre 7, 2022

/ by Lovely

 


Tila hindi nagustuhan ng sikat na showbiz columnist na si Manay Lolit Solis ang kamakailang update ni Kim Chiu sa kanyang social media kung saan ibinahagi niya ang kanyang pagkakagiliw sa korean girlband group na Blackpink.

Matatandaang ibinahagi ni Kim Chiu sa kanyang Instagram account ang kanyang panonood sa concert ng Blackpink sa US.

Ayon kay Lolit Solis, dapat pagsabihan si Kim Chiu na huwag masyadong ipakita ang pagkahumaling sa Blackpink. Parang nagyaya pa kasi umano si Kim na hangaan din ng kanyang mga fans ang international artists.

Binigyan din ni Manay Lolit ng payo si Kim Chiu at sinabing dapat mas ini-encourage nito ang mga Pilipino na suportahan ang mga local shows at artists.


"Dapat siguro sabihan si Kim Chiu na huwag ipakita masyado iyon kilig niya sa Blackpink. Kasi parang nagyayaya pa si Kim Chiu na hangaan ng mas marami pa ang Blackpink na isang foreign group. Mas magandang ini encourage mo ang mga fans na mas hangaan ang mga local artists natin lalo na ngayon na parang naghihingalo na ang showbiz industry. Sabagay parang hindi narin ganuon katindi ang lakas ng mga Koreans sa mga fans. Malay natin naghahanap na naman sila ng mga bagong idols. Kaya huwag mawalan ng pag asa, baka sakali, back ulit sa init ang showbiz. Wait lang tayo, Salve at Gorgy."

Matatandaang  naging mainit na usapin sa bansa ang pagkakahumaling ng mga Pinoy sa mga foreign shows. Umabot ito sa senado at pinag-iisiipan pang i-ban na lamang ang mga ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo