Liza Soberano Kinantahan Ng K-pop Star Na Si Henry Lau!

Biyernes, Nobyembre 11, 2022

/ by Lovely


 Labis ang nadaramang inggit ng ilang mga K-pop fans kay Liza Soberano dahil sa kumakalat  nitong TikTok video sa K-pop Star na si Henry Lau.

Nauna nang naibahagi ang game na pagsabak nina Liza Soberano at Henry Lau sa trending na photo-taking craze sa TikTok.

“@iamhenry you were in every frame. Better luck next time!” caption ni Liza sa kanilang video.

Agad namang nagkomento si Henry at sinabing, "You need to tell me the rules!!!!”

Umani naman ito kaagad ng million views sa nasabing app. Tila namumuro na umano si Liza kaya naman pinapauwi na ito ng mga fans sa Pilipinas.

Kumakalat lang naman ngayon ang video kung saan makikitang tila kinakantahan siya ni Henry Lau. Kasunod nito nag-flex si Liza ng mga larawan nila ni Henry sa kanyang sariling Instagram account.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo