Karen Davila, Aminadong Hindi Kaibigan si Korina Sanchez Mula Noon!

Linggo, Nobyembre 27, 2022

/ by Lovely


 Naitanong kay Karen Davila sa isang panayam kung ano ang reaksyon niya sa mga taong nagsasabing nagpaplastikan lamang sila ni Korina Sanchez sa panayam nito sa kanya kamakailan lamang.

Ang panayam ni Korina Sanchez sa dating ka-station na si Karen Davela sa Korina Interviews ay ang kauna-unahang pagkakataon nagkasama ang dalawa sa iisang programa sa kabila ng ilang taong pagiging parte nila sa ABS-CBN.

Kaya naman, agad na nagkomento ang ilang mga netizens na tila ba'y nagpaplastikan lamang umano ang dalawang news anchor.

Subali't ayon kay Karen Davela ang pagsasama nilang iyon ni Korina ay 'perfect timing'.

“In social media they would say, ang pa-plastik niyo, ‘di ba… ang fake n’yo… But you know, I’d like to say from the bottom of my heart that interview with Korina was really in God’s good and perfect time,” saad ni Karen.

Inamin din naman ni Karen na hindi talaga sila in-good terms ni Korina noon pa man. Sa kabila ng pagtatrabaho sa iisang network. Ni hindi nga umano sila nagkakausap dalawa at wala rin silang naging project together.

“Yes, Korina and I… Ayaw ko namang magpakaplastik, we were not friends. We didn’t have the opportunity in ABS-CBN to sit together, to talk with each other. And for whatever reason it was, we were both busy, the competition is too much. ABS was a very competitive environment. And I think everybody who would see this would know that, right?”

“But to me, to meet Korina when she came to the house. I would already see Korina in Socials because we have the same set of friends, but really napakagaan. Bakit ganon? Because it is in God’s perfect time,” pagbabahagi ni Karen.

Samantala, posibleng si Karen naman ang mag-iinterview kay Korina Sanchez para sa kanyang vlog na nauna nang pinayagan ng huli.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo