Kinatutuwaan ngayon ng mga netizens ang nakaraang Karaoke session nina Anne Curtis, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez nitong Sabado sa 13th anniversary ng It's Showtime.
Kinanta ng tatlo ang kanta ni Sheryn Regis na pinamagatang 'Gusto Ko Nang Bumitaw'. Agad itong kinaaliwan ng mga netizens dahil sa tila struggle nila para maabot ang tono na tila ba'y nais na nilang bumitaw.
Maging ang kasamahan nilang host ay aliw na aliw sa kanilang performance.
“Confirm po. Ayaw po magpakanta sa iba ung kantang 'Gusto ko nang Bumitaw' pang Sheryn, Morisette & Ate Reg lang daw talaga,” tweet ni Anne Curtis.
Dagdag pa nito, “Hindi na po mauulit! Hahahaahahaha.”
GALING NIYO SOBRA!!!!! Luluhod si Ate Reg, Morisette at Sheryn sa inyo ni Jackie. 🤣 https://t.co/PyYTlRccIN
— regine (@VICEXANNE) November 19, 2022
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!