JK Labajo Napa-Hugot Matapos I-flex Ni Maureen Wroblewitz Ang Bagong Jowa!

Linggo, Nobyembre 13, 2022

/ by Lovely


Naging mainit na usapin online ang mga larawang ibinahagi ni Maureen Wroblewitz sa kanyang IG stories. kung saan flinex niya ang isang lalaking tila may dugong foreigner. Hinuha naman ng mga netizen na ito na bago niyang jowa.

Ang dating jowa ni Maureen Wroblewitz ay si JK Labajo na unang nakilala sa The Voice Kids.

Makikita sa mga ibinahaging IG stories ni Maureen na nakayakap ang lalakis sa kaniya habang nakasakay sila sa isang duyan. Kasama rin niya ito sa wellness at detoxification activity niya gaya ng acupuncture.

Hindi naman tinukoy ni Maureen ang pangalan nito at ang kanilang relasyon. 

Lalo pa itong pinag-usapan ng  magbahagi si JK Labajo ng hugot sa kanyang social media account kasunod lamang ng pagbabahagi ni Maureen sa tila bagong jowa niya.

“Yung tipong mamahalin mo pa rin siya kahit di ka niya mahal,” caption ni JK sa kaniyang IG post. Kalakip ang larawan nila ng kanyang alagang pusa.

Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. Hinuha nila ay hugot ito ni JK para sa kanyang dating nobya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo