Ina ni Bea Alonzo Napa-mura sa Prank Ni Bea Alonzo!

Lunes, Nobyembre 21, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ni Bea Alonzo sa kanyang recent vlog na matagumpay niyang na-prank ang kanyang ina sa recent trip nila sa France.

Makikita sa Youtube channel ni Bea Alonzo ang trip nila ng kanyang pamilya sa France kung saan dinala niya ang mga ito sa kanyang bagong property roon.

Makikita rin sa kanyang vlog ang pag-prank niya sa kanyang ina gamit ang isang bote ng wine. Naghanda si Bea ng isang resibo ng alak na nagkakahalagang 2000 euros at ito ang kanyang ipinakita sa kanyang ina.

"2000 euro?!" di makapaniwalang sigaw ng ina ni Bea matapos makita ang resibo. Agad naman itong sinagot ni Bea at sinabing, "Seryoso ba? Akala ko 200."

Kinatuwaan naman ng mga netizens ang mabilis na pagcompute ng ina ni Bea sa equivalent ng 2000 euros sa peso na nasa 120,000.

"Hindi, iinumin ko yan mamaya," saad ni Bea na lalong ikina-galit ng kanyang ina, "Oh my God, Bea Alonzo, iuwi mo sa Pilipinas yun tas iinumin mo 120,000?"

Agad naman inamin ni Bea sa kanyang ina prank lamang ang lahat at sinabi na ang wine ay nagkakahalaga lamang ng 3000 pesos.

"Na-high blood ako. Nagpa-demure pa ako kasi ang daming mga foreigner, nakita ko sa resibo 2,000 euro ibig sabihin 120,000 sa peso isang alak, jusko baka ilampaso ko si Bea Alonzo sa mga grabang 'to," saad ng ina ni Bea.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo