Enzo Pineda Pinagbawalan Na Ng Kanyang Girlfriend Na Gumawa Ng Mga Love Scenes Sa Pelikula!

Miyerkules, Nobyembre 9, 2022

/ by Lovely


May katotohanan pala ang usap-usapan noon na umano'y pinagbabawalan ang aktor na si Enzo Pineda ng kanyang girlfriend na si Michelle Vito na gumanap sa mga roles na maraming hubaran.

Kadalasan sa mga ginagampanan role ni Enzo nitong mga nagdaang taon ay puro sexy role kung saan maraming mga hubadan at love scenes.

Si Enzo Pineda ang unang itinanghal bilang Ultimate Survivor sa reality talent search na Starstruck noong 2009. Marami na ring mga napatunayan si Enzo bilang actor.

Muling bibida si Enzo sa isang barkada-comedy series sa Viva Films a Feast Production na pinamagatang Call Me Papi. Sa panulat at direksyon ni Alvin Yapan.

Gagampanan ni Enzo ang papel ni Sonny, isang gym instructor na natanggal sa trabaho kaya pumatol sa isang client na may asawa.

Samantala sa naganap na storycon ng pelikula, inamin ni Enzo na totoong pinagbabawalan siya ng kanyang girlfriend na si Michelle Vito na gumanap sa mga pelikulang hubaran.

“I understand naman where she is coming from. She’s conservative and just looks after my well being. She says kapag masyado akong na-typecast sa sexy roles, baka hindi na ako kunin for other kinds of films and I think that she has a valid point,” pagpapaliwanag ni Enzo.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo