Donnalyn Bartolome Naiinip Na Kahihintay Sa Bank Account Ni Xian Gaza! P195K Handa Na!

Miyerkules, Nobyembre 23, 2022

/ by Lovely


 Naiinip na ang singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome sa hamon ni Xian Gaza na i-reimburse niya ang P195K na binayaran nito sa isang mamahaling bar sa Singapore.

Matatandaang hinamon ni Xian si Donnalyn matapos nitong umalma sa kanyang post tungkol sa mga babaeng may mga sugar daddy kaya naa-afford ang VIP seats sa mamahaling club.

Ayon kay Donnalyn, nilalahat ni Xian ang mga babae gayung may babae naman kayang magbayad sa VIP tables ng mga bar. Dahil rito hinamon ni Xian si Donnalyn na ireimburse ang kanyang binayaran sa bar na umabot sa P195K.

Kumasa naman sa hamon si Donnalyn at agad hiningi ang bank account ni Xian upang maideposito niya ang pera. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng bank account si Xian.

Sa isang post na ngayon ay burado na sinabi ni Xian, na wala siyang balak tanggapin ang pera ni Donnalyn dahil ayaw niyang lumabas na isang hampaslupa.

Sa panibagong post ni Donnalyn nitong November 22, “Ano na friend? Baka sabihin nila scripted eh.” Kalakip ang larawan ng isang Marie hawak ang cash na tila ilalaan nga kay Xian.

Samantala nauna nang inamin ni Xian Gaza na ang purpose ng kanyang post ay for virality lamang.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo