Diego Loyzaga Muling Gaganap Bilang Bongbong Marcos Sa Pelikulang MOM, Gaganap Bilang Ninoy Isang Surpresa?

Biyernes, Nobyembre 18, 2022

/ by Lovely


Kumpirmado na ang muling pagganap ni Diego Loyzaga bilang younger Bongbong Marcos sa pelikulang Martyr or Murderer sa panulat at direksyon ni Darryl Yap.

Ibinahagi ni Diego Loyzaga sa kanyang Facebook account ang picture ng kanyang script bilang Bongbong Marcos sa sequel ng pelikulang Maid in Malacanang na Martyr or Muderer.

Agad naman itong ibinahagi ni Direk Darryl Yap at sinabing na-aatat na si Diego sa pagsisimula ng MoM.

Nauna nang sinabi ni Direk Darryl Yap na sa pagkakataong ito ay may gaganap na bilang Ninoy Aquino. Sa ngayon ay hindi pa nila ipinalabas kung sino ang aktor na ito.

Subalit, matatandaang sa isang panayam inamin ni Darryl Yap na nais niyang makatrabaho si Philip Salvador bilang Ninoy at si Joey Marquez naman ang gaganap bilang Fabian Ver.

Sina Philip Salvador at Joey Marquez ay parehong ex-boyfriend ni Kris Aquino, anak ni Ninoy Aquino.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo