Cristy Fermin, Naki-usap Na Huwag Husgahan Si Vhong Navarro!

Linggo, Nobyembre 27, 2022

/ by Lovely


 Muling napag-usapan sa Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika ang matinding pagsubok na kinakaharap ngayon ni Vhong Navarro. 

Maging si Manay Cristy Fermin ay labis na naaawa nang makita si Vhong na nasa ganoong estado. Tila isang kriminal dahil makikitang nakaposas ito sa paglipat sa Taguig City jail.

Ayon pa kay Manay Cristy ang kinakaharap ngayon ng aktor ang pinakamatinding hamon na kailangan niyang harapin.

Nakiusap din si Manay Cristy na hindi muna tawaging criminal sa Vhong Navarro dahil hindi naman ito nahatulan.

"Habang wala pang promulgasyon, habang wala pang desisyon ang husgado, may mga apela pa 'yan. 'Wag po nating husgahan si Vhong Navarro bilang isang kriminal," pakiusap ni Cristy.

Samantala, patuloy pa ring hinihintay ng mga tagahanga ni Vhong Navarro ang magiging desisyon ng korte hinggil sa panghihingi nito ng pansamantalang kalayaan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo