Cristy Fermin May Opinyon Sa Isyu Sa Pagitan Nina Angel Locsin, Neil Arce at Maxene Magalona!

Miyerkules, Nobyembre 16, 2022

/ by Lovely


Muling naging paksa sa usapan nina Cristy Fermin ang tungkol sa lumalabas ngayong isyu sa pagitan ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce, kung saan nadadamay na rin sa isyu ang pangalan ni Maxene Magalona.

Ayon kay Manayt Cristy, may mga lumalabas ngayong balita mula sa ilang mga vlogger na umano'y may pinag-dadaaanan ang relasyon nina Angel Locsin at Neil Arce.

“Isang pananahimik po na nagkawing-kawing na po ang mga kwento hanggang sa dumating po sa punto na diumano ay naghiwalay na ang mag-asawa at nadadamay pa ang pangalan ngayon ni Maxene Magalona,” pahayag ni Cristy Fermin.

Ipinahayag din ni Romel na may nalabasan pang mga throwback pictures nina Neil Arce at Maxene Magalona. Tila ibinabalik umano ng ilang mga netizens ang tapos ng kwento nina Neil Arce at Maxene Magalona sa kasalukuyang kwento nina Angel Locsin at Neil Arce.

Sa huli, pinayuhan na lamang ni Manay Cristy Fermin ang lahat na huwag munang magbigay ng conclusion sa kwento at hintayin na lamang ang pahayag ng mag-asawa.

Matatandaang, nag-ugat lamang ang isyu ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-asawa matapos nilang manahimik sa social media ng ilang buwan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo