Carmina Villaroel Hindi Pa Rin Nalilimutan Ang 'Sampal' Na Nagpahilo Sa Kanya!

Lunes, Nobyembre 14, 2022

/ by Lovely


Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ni Carmina Villaroel ang pagsampal sa kanya ng kasamahang artista habang nati-taping ilang taon na ang nakakalipas.

Bagama't matagal na iyong nangyari ay hindi pa rin niya nalilimutan ang inis at pagkapikon dahil sa tagpong ito. Ayon pa kay Carmina kapag naiisip niya ito ay bumabalik sa kanya ang sakit dahil talagang may bwelo ang pagsampal nito.

“May buwelo, ‘yung talagang galing dito sa baba paganoon sa akin. Nawala ako sa frame at nahulog ako sa sofa. Buti na lang may sofa kasi kung walang sofa nahulog ako sa floor. Napikon ako, kasi ang sakit, ang sakit. Imadyinin mo may buwelo,” sey ni Carmina

 Bagama't naiinis at napipikon pinili umano ni Carmina na kumalma at tumayo dahil ayaw na niyang magkaroon ng take 2 or take 3 ang scene dahil talagang masakit.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo