Barbie Imperial Inayawan Na Ng Ilang Mga Brands!

Linggo, Nobyembre 6, 2022

/ by Lovely


Mainit pa rin na pinag-uusapan sa social media ang nangyaring pananakit ni Barbie Imperial kay Debbie Garcia.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, maraming mga clients ang inayawang kunin bilang brand endorser si Barbie Imperial, matapos ang isyu niya kay Debbie Garcia. Tila natatakot ang mga ito na madamay sa isyu at maapektuhan ang kanilang sales dahil mainit pa ang usaping ito.

“Siyempre kapag ganitong may mga gulo, ayaw ng client kasi madadamay ang produkto nila, ‘yung isa papahupain muna kasi gusto talaga nila si Barbie kasi nasubukan na nila kaya gusto nilang kunin ulit. Yung isa umatras talaga, so, naghahanap ng iba.”

Tila nakinig naman si Barbie sa payo ng pambansang marites na si Xian Gaza at nagpalamig muna sa isyu. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Barbie at hindi nagbigay ng paliwanag tungkol sa kanyang ginawa kay Debbie.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo