Angeline Quinto Ipinagdidiinan Na Hindi Siya Ang Bumubuhay Sa Kanyang Fiance!

Linggo, Nobyembre 13, 2022

/ by Lovely


Hindi pa rin tinatantanan ng mga pang-iintriga ang magpartner na sina Angeline Quinto at Nonrev Daquina.

Ayon sa ilang mga marites na tila pineperahan lamang ni Nonriv si Angeline at ang singer pa umano ang kumakayod para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya.

Subalit alam naman umano ni Angeline ang pangmamaliit ng ilang mga haters sa kanyang fiance na si Nonrev na dating nagtatrabaho sa isang casino. Alam din umano niya ang katotohanan kaya dedma na lamang siya sa mga taon ipinipilit na pera lamang ang habol sa kanya ng fiance.

“Ang dami kong nababasang ganu’n. Well, si Non naman, kapag talagang nakakita kami ng ganu’n, talagang tinatawanan na lang namin. Alam naman namin na kaming dalawa yung nagkakaintindihan. Kaming dalawa yung pupuno kung anuman yung pangangailangan ni Sylvio,” pahayag ni Angeline sa isang panayam.

Ipinunto rin ni Angeline na may pinagkikitaan naman si Nonrev mula sa kanyang negosyo bukod pa mula sa kinabibilangang insurance company.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo