Andi Eigenmann Nagpost Sa Tungkol Sa Simpleng Pamumuhay, Sa Gitna Ng Paglimot Sa Kaarawan Ng Ina!

Huwebes, Nobyembre 3, 2022

/ by Lovely


Naging mainit na usapin sa social media ang komento ni Jaclyn tungkol sa hindi pagbati sa kanya ng anak na si Andi Eigenmann at partner nitong si Philmar Alipayo sa kanyang kaarawan.

Matatandaang kamakailan lamang ay ipinagdiriwang ni Jaclyn ang kanyang kaarawan ngunit tila hindi buo ang kasiyahan nito dahil sa paglimot ni Andi.

Samantala, naging mapanuri ang mga mata ng ilang mga marites sa latest Instagram post ni Andi kung saan tila ipinapakita nito ang simpleng pamumuhay nila ng mga anak sa Isla ng Siargao.

Ayon sa Instagram post ni Andi, habang wala si Philmar dahil sa surfing competition nito nag-crave sila ng kanyang mga anak ng buyad (dried fish) kaya siya na mismo ang gumawa. Ibinahagi rin nito ang kanilang pagkain sa dahon ng saging habang nakakamay.

"While @chepoxz was away for his surfing tournament, we craved for some buyad (dried fish), and so we made our own at home!"

Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens, may ilan na natutuwa dahil tinuruan ni Andi ng simpleng pamumuhay ang mga anak niya.

Samantala, malaking katanungan pa rin sa mga marites kung bakit hindi nakuhang bumati ni Andi sa kaarawan ng ina, gayung hindi naman pala ito sobrang busy at may oras naman sa pagpopost sa social media.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo