Alexa Ilacad Naimbyerna Sa Isang Netizen Na Pilit Pinapaamin Sa Kanya Na Sila Na Ni KD!

Huwebes, Nobyembre 10, 2022

/ by Lovely


Tila nagsimula nang mainis si Alexa Ilacad sa isang makulit na fan na pilit siyang pinapaamin sa totoong estado ng kanilang relasyon ni KD Estrada.

Muling nakiusap si Alexa na sana ay tigilan na ang pagpapakalat ng ilang mga netizen na official na ang kanilang relasyon. Ipinagdiinan ni Alexa na nasa dating stage pa lamang sila ni KD kaya hindi sila dapat na pangunahan.

“So wala pa naman po akong boyfriend. But I think obvious naman na, luma-lovelife na tayo ngayon. But wala pa po. Coming soon, abangan,” ayon sa aktres-singer.

Tila hindi naman  kumbinsido ang isang fan, ipinapalabas nito na nagsisinungaling si Alexa at tinatago lamang ang tunay na relasyon nilang dalawa.

“Cge ka baka magtampo si kiddy. Baka ang nag iisang boyfriend mo mawawala…… Wag naman sana,” komento ng isang netizen.

Agad naman itong sinagot ni Alexa, “Please, enough about this. Pagod na po akong ipaintindi sa inyo kung ano ibig sabihin ng exclusively dating. Gusto niyong aaminin ko na kami na, eh sa hindi pa nga po talaga. And please, enough with threatening me na iiwan ako. Lagi na lang."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo