Alex Gonzaga Ni-Raid Ang Bahay Nina Flow G at Pastillas Girl!

Linggo, Nobyembre 13, 2022

/ by Lovely


Nakasama sa isang vlog ni Alex Gonzaga sina Flow G at Angelica Yap aka Pastillas Girl. Sa huling bahagi pa ng vlog ay pabirong sinabi ni Alex na magli-live siya sa FB dahil hindi siya isinabay ng mga ito sa pagkain sa kanilang paboritong restaurant.

Sinugod ni Alex ang dalawa sa kanilang bahay at nagkaroon ng kunting house tour. Matapos ang kanilang kwentuhan nagpunta sila sa paboritong kainan nina Flow G at Angelica.

Samantala, umaani naman ang pakikipagcollab na ito ni Alex sa dalawa ng mga positibong komento at opinyon mula sa mga netizens. Puring-puri nila ang pagiging open ni Alex sa pakikipagcollab ng kahit sinong content creator.

Pinuri din nila ang pagbibigay ng saya ni Alex sa bawat vlog na ibinabahagi niya sa kanyang channel.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo