Alex Gonzaga Napikon Sa Paratang Na Isa Siyang Enabler!

Miyerkules, Nobyembre 16, 2022

/ by Lovely


Hindi na nakapagtimpi si Alex Gonzaga sa pahayag ng isang basher hinggil sa naging vlog nila ni Dra. Vicky Belo. Ayon sa basher, ang nasabing vlog ng dalawa ay for the views only.

Dagdag pa nito, na nang sakyan ng iba't-ibang news outlet ang kanilang pahayag ng umano'y pang-iisnub ni Heart sa kanila sa Milan ay nagkanya-kanya agad sila ng pagbibigay ng pahayag na 'joke' lamang ang lahat.

"Ganyan talaga pag forda views. Pag napansin na ng news outlet, biglang sasabjing 'Hindi dapat binabalita mga ganito e.' Napaka tang* naman netong babaitang enabler na to," pahayag ng basher.

Agad naman itong sinagot ni Alex at ipinunto na hindi niya vlog iyon kundi kay Dra. Vicky Belo.

"Anong forda views? G*ga hindi ko vlog yun. Vlog ni dra yun panoorin mo muna buo para makita mo joke."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo