RR Enriquez Hinamon Ng Paseksihan si Ivana Alawi!

Linggo, Oktubre 30, 2022

/ by Lovely


Mainit na usapin sa social media ang umano'y panghahamon ng Sawsawera Queen na si RR Enriquez laban sa vlogger at actress na si Ivana Alawi ng paseksihan.

Ayon kay RR, nakakagigil ang angking kaseksihan at kagandahan ni Ivana Alawi. Ibinulgar din ni RR na crush ng kanyang boyfriend si Ivana Alawi.

Dagdag pa ni RR, malaking karangalan na masabihang mas maganda at mas sexy siya kay Ivana. Kaya naman lakas loob niya itong hinamon sa isang collab. Ang gagawin lamang umano nila sa collab ay ang mag-compete kung sino ang mas sexy.

Sinabi rin ni RR na sa kanyang edad na 39 lumalaban pa rin siya ng kaseksihan at kagandahan kay Ivana.

"Kaya naman kung nanonood ka Ms. Ivana Alawi, alam mo gusto kitang hamunin. Magpaseksihan tayong dalawa. Tingnan lang natin kung sino ang may asim pa sa ating dalawa."

Samantala, tila nagbibiro lamang si RR sa kanyang hamon kay Ivana Alawi.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo