Reaction Ni Toni Gonzaga Sa Panunumpa Ni Paul Soriano Sa Malacanang!

Martes, Oktubre 18, 2022

/ by Lovely

 


Nanumpa na kahapon October 17, 2022 ang asawa ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano bilang appointed Presidential Adviser on Creative Communications.

Ang oath taking ni Paul Soriano ay pinangunahan ni Pres. Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. Naibahagi din sa Instagram stories ni PBBM ang panunumpa ni Paul Soriano sa President's Hall. Kasama ni Paul Soriano sa kanyang oath taking ang kanyang asawa at anak na si Seve. Naroon din ang mga magulang ni Paul Soriano upang saksihan ang nasabing event.

Matatandaang nauna nang naiulat ang pagtanggi ni Paul Soriano sa alok ni PBBM na maging Press Secretary. Ipinagdiinan niya noon na makakahatid siya ng mas maayos na serbisyo from behind the scenes. Si Paul Soriano din ang naging director sa unang State of the Nation Address ng Pangulo.

Samantala, kasabay ng panunumpa ni Paul Soriano ay ang pagdiriwang sa kanyang ika-41na kaarawan. Maituturing na isang magandang birthday gift ang pagkaka-appoint sa kanya bilang Adviser for Creative Communications.

Labis naman na natutuwa si Toni Gonzaga sa bagong appointment ng kanyang asawa. Very proud din siya sa achievement na ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo