Pambihirang Pagkakataon! Ilan Sa Mga Naging Pangulo Ng Bansa Dugong Mga Ilokano Pala?

Biyernes, Hulyo 1, 2022

/ by Lovely

Ilokano ang muling naluklok bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Jr.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, ilan sa mga naunang pangulo ay mula sa Ilocos Region.

Pang. Elpidio Quirino



Taong 1948, nahalal ang unang Ilokanong Presidente na si Elpidio Quirino. Mula sa Vigan, Ilocos Sur si Quirino at ang kanyang ama at ina ay mula sa La Union at Ilocos Sur. Sumentro ang kanyang termino sa muling pagbangon ng Pilipinas mula sa epekto ng World War 2. Sa panahon niya naipatayo ang Central Bank at napirmahan ang panukalang palitan ang Maynila ng Quezon City bilang kabisera ng Pilipinas.

Pang. Ferdinand Marcos Sr.



Si Ferdinand Marcos Sr. ang ika-sampung presidente ng Pilipinas. Si Marcos Sr. ang kauna-unahang pangulo na nahalal sa dalawang magkasunod na eleksyon. Tumagal ang kanyang pamumuno hanggang 1986.

Nakilala ang kanyang unang termino sa pagpapatayo ng kabi-kabilang infrastructure na pinondohan mula sa foreign loans. Isa sa pinakamalaki nitong proyekto ay ang Cultural Center of the Philippines. Nabigyan progreso rin ang sector ng agrikultura, negosyo at edukasyon.

Ngunit, naging hamon kay President Ferdinand Marcos Sr. ang mga demonstrasyon at mga aktibidad ng Gerilya. Taong 1972, idiniklara sa panahon ni Marcos Sr. ang Martial Law. Inaprubahan din niya noong 1976 na maibalik sa Manila ang kabesira ng Pilipinas.

Pang. Fidel V. Ramos



Ang ika-12 pangulo ng bansa na si Fidel V. Ramos ay ipinanganak sa Lingayen, Pangasinan. Sinubok ng krisis sa enerhiya ang administrasyon ni Ramos. Bilang tugon, ipinasa sa ilalim ng kanyang termino ang Republic Act. 7648 o ang Energy Crisis Act na nagbigay daan na pumasok ang gobyerno sa negotiated contracts. Sa pamamagitan nito, lalong napapabilis ang construction, rehabilitation and maintainance sa mga power plants.

Pang. Gloria Macapagal Arroyo



Hindi man mula sa Ilocos Region si Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ngunit may dugo naman siyang Pangasinense mula sa kanyang ina. Sa kanyang panahon, nangyari ang Global Financial Crisis na nagsimula noong 2007 at tumagal hanggang 2009. Sa kabila nito tumaas pa rin ang GDP ng bansa.

Pang. Ferdinand Marcos Jr.


Anak ng dating pangulong Marcos Sr. at ang ika-17 pangulo ng Pilipinas. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo