Ex girlfriend ni Seth Fedelin na si Andrea Brillantes nag-react sa tambalang FranSeth

Lunes, Mayo 23, 2022

/ by Lovely

 


Maingay ngayon ang tambalan nina Seth Fedelin at Francine Diaz. Ang noon kasi'y tinutukso lamang na maging partner ngayon ay totoo ng love team ng ABS CBN.

Magkakasama ang dalawa sa kanilang sunod na project ang Dirty Linen. Ito ang unang pagkakataon na magkakasama sila sa isang proyekto bilang isang loveteam.


Hiling naman ng ilang fans ni Andrea Brillantes na sana'y itigil na rin ang pambabash at hate nila kay Andrea Brillantes. Kalimutan nalang umano ang nakaraan dahil makikita namang nanahimik na ngayon si Andrea sa kanyang buhay.

Sa latest post ni Seth Fedelin sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan nila ni Francine Diaz na magkasama. Sa nasabing post ay pinasalamatan ni Seth ang mga taong patuloy na naniniwala sa kanya at sa kanyang kakayahan.

Pinasalamatan din niya ang mga aktor at direktor na kanyang makakasama sa proyektong ito. Sinabi din niya na ito ang magiging guro niya upang mapagtagumpayan ang project na ito. Menention at kinongratulate ang magiging katambal niya sa proyeto na si Francine Diaz. 

Samantala umani ang post na ito ni Seth ng samu't saring komento mula sa mga netizens pero ang pumukaw sa attention ng marami ay ang naging komento ni Andrea Brillantes.

Makikita mismo sa komento ni Andrea ang pag-congratulate niya kina Seth at Francine. Dahil sa komentong ito ni Andrea nasabi ng mga netizens na mukhang masaya siya para kay Seth at Francine.

Ito ay dahil marahil sa masayang love life ngayon ni Andrea Brillantes.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo