"10 pinaka MAYAMAN na ARTISTA na may EDAD 30 pababa 2021 "

Huwebes, Marso 3, 2022

/ by Lovely

10 pinaka MAYAMAN na ARTISTA na nay EDAD 30 pababa.

    1. Julia Barretto

Si Julia ay may edad na 24 years old anak ng kumedyanteng si Dennis Padilla at actress na si Marjorie Barretto. Galing sa isang pinakakontrobersyal na pamilya sa Philippine showbiz. Bata palamang ay sumalang na ito sa showbiz at bumida na ito sa ABC-CBN series tulad ng 'Mirabilla', 'A Love To Last' at 'Ngayon at Kailanman'. Nagkaroon din ito ng mga pelekula tulad ng 'Vince & Kath & James', 'Between Maybes' at 'Block Z'. Nagkaroon din ng maraming endorsement na nagbigay sa kanya ng maraming kita dahilan para makapagpatayo ito ng sariling bahay. Si Julia Barreto ay may estimated net worth na ₱100 million pesos.


    2. Nadine Lustre

Nagsimulang sumikat ang career ni Nadine sa pelikulang "Diary ng Pangit" noong 2014. Katambal ang actor at kalaunan naging kasintahan na si James Reid at nabuo ang tambalang Jadine at nagsimulang umakyat ang career ng dalawa. Nasundan pa ito ng maraming pelikula at mga palabas sa telebisyon na talaga namang patok sa masa tulad ng "On the Wings Of Love", at "Till I Met You". Naging host din ito ng It's Showtime at Isa sa mga judge sa talent show na Your Moment. Nagkaroon din ito ng kalitawa't kanang endorsement at sold out concerts kasama ang ka loveteam nito na si James Reid. Mayroon din itong sariling business na nail salon na kanya ring Eni-endorso at mayroon ding sariling makeup line, ang lustrous collections. Si Nadine Lustre ay may estimated net worth na ₱200 million.

    

    3. Liza Soberano

Bagama't dating ng napapanood sa ibang mga palabas sa ABS-CBN, ang palabas nitong Forevermore ang nag bigay sa kanya ng big break kung saan katambal niya dito ang actor na si Enrique Gil. Dito na nabuo ang tambalang LizQuen at nasundan naito ng sunod-sunod na proyekto sa telebisyon at pelikula. Ang Ilan sa mga ito ay ang 'Dolce Amore', 'Bagani' at 'Make It With You'. Ang mga peikula naman nito na 'Just The Way You Are', 'My Ex & Whys' at 'Alone Together' ay nagbigay rin sa kanilang loveteam ng maraming kita. Isa rin si Liza sa may pinakamaraming endorsement. Binansagan itong most Beautiful Face in the World noong 2017. Ngayon ay isang whole of famer mayroon din itong sariling negosyo ang (HOP) Hand and Foot Wellness. Isang spa at wellness center na ngayong ay mayroon ng dalawang branch sa Timog Avenue at Alabang Muntinlupa. Si Liza Soberano ay may estimated net worth na ₱250 million.

    4. James Reid

Si James Reid ay nagsimulang makilala noong manalo ito sa reality show na Pinoy Big Brother noong 2010. Ang big break nito ay noong nabuo ang tambalang JaDine. Ang maraming palabas, pelikula at endorsement ay ilan lamang sa mga pinagkakitaan ni James Reid. Si James Reid ay isa ring song writer, dancer, model at producer. Naging isa rin siya sa mga host ang Idol Philippines.


Kamakailan naman pinost nito sa kanyang Instagram ang litrato ng kanyang bahay na may caption na "my house is for sale". Ang nasabing bahay ay dating tinitirhan ng ex-girlfriend nito na si Nadine Lustre. May halaga itong ₱82 - ₱85 million may pitong kwarto sound proof recording studio swimmingpol, gym at may sukat na 100 square meters. Sa ngayon si James Reid ay may estimated net worth na ₱270 million.


    5. Ivana Alawi

Si Ivanna ay actress, model, youtuber at recording artist. Si Ivanna ay pinamanahan ng kanyang ama na isang Moroccan matapos itong pumanaw. Bagama't apat silang magkakapatid tanging sa kanya lang ipinagkatiwala ang lahat ng ari-arian at mga negosyo nito. Kabilang na ang mga bahay sa Morocco, Bahrain at sa America. Nakilala si Ivanna sa kanyang sexy image. Sa ngayon ay mayroon itong 7 million subscriber sa youtube. Ayon sa kanya ay kumikita na ito ng 6 digits o hundred thousands kada buwan. Mayroon din itong collection ng mga mamahaling kotse. Ang estimated net worth ni Ivanna ay ₱300 million.


    6. Enrique Gil

Siya ay actor, dancer at model. Nagsimulang siyang mag-artista noong 2008. Bago pa man nagkaroon ng LizQuen, bihira itong mabakante sa mga proyekto sa telebisyon at pelikula. Bukod dito, nagkaroon din ito ng sariling dance album at sold out concert na 'The King of the Gil' sa Araneta Coliseum. Nagmamay-ari ito ng isang beach house sa Anilaw, Batangas na may sariling private beach at mayroon din itong collection ng mga mamahaling sasakyan. Ang estimated net worth nito ay ₱360 million.

    7. Alden Richard
Bagama't matagal na ding nag-aartista ang pagkakadiskubre ng tambalang AlDub ang nag bigay ng big break kay Alden nagbukas ito ng napakaraming opportunities sa kanilang dalawa ni Maine Mendoza. Sunod sunod ang mga proyekto sa telebisyon at pelikula, kabi-kabilang mga endorsement, at may negosyo din ito na Choncha's Garden Cafe na may tatlong branch at isang branch ng sikat na fast food chain na Mcdonald. Ang estimated net worth ni Richard ay ₱400 million.     
    8. Kathryn Bernardo

Simula pagkabata ay isa na itong artista. 7 years old palang ito nang sumabak sa pag-arte. Kaya naman hasang-hasa na ito sa pag-arte. Lalo itong sumikat noong nagsimula ang tambalan nila ni Daniel Padilla na KathNiel, na isa sa may pinakamaraming fan base sa Pilipinas. Ang ilan sa mga di malilimutang palabas nito ay ang 'Princess and I', 'Got To Believe', Pangako Sayo, at La Luna Sangre. Ang mga pelikula naman ni Kathryn ay talagang pumatok din sa masa. Sa katunayan dalawa sa may pinakamalaking kinita na Filipino Film ay mga pelikula ni Kathryn. Ang 'Hello Love Goodbye' na kumita ng 880.6 million pesos at ang 'The House of Us'.

Kasama si Daniel Padilla na kumita naman ng 806 million pesos. Tanging ang dalawang pelikula lang na ito ang kumita ng lagpas ng 800 million pesos. Isa rin si Kathryn sa mga top endorser sa bansa. Isa din siyang negosyante. Siya ang may-ari ng nail salon na Kathnails na ngayon ay may walong branch na sa iba't-ibang malls sa bansa. Sa ngayon ay nagsisimula ng ipatayo ang dream house nito. Si Kathryn Bernardo ay may estimated net worth na ₱500 million pesos.

    9. Maine Mendoza

Si Maine ay nagmula sa mayamang pamilya na nagmamay-ari ng maraming gasoline station na Shell sa Bulacan. Ngayon ay isa na rin itong endorser ng nasabing oil company. Nakilala bilang si Yayadub sa 'kalye serye' ng Eat Bulaga. Ang loveteam nila ni Alden Richard ay naging instant phenominal na nagkaroon ng record breaking tweets at trending sa twetter at pumuno ng Philippine Arena sa kanilang first time na pagtatagpo ni Alden sa Eat Bulaga noong 2015. Matapos noon ay sunod-sunod na ang proyekto ng dalawa, mapa TV, pelikula, at mga endorsement. Si Maine Mendoza ay may estimated net worth na ₱700 million.

    10. Daniel Padilla

Si Daniel Padilla ay anak ni Romel Padilla at Carla Estrada. Ang isa sa mga highest paid actor at top celebrity endorser. Pinasok din nito ang pagiging singer na nagkaroon ng tatlong double platinum album at isang gold record na album. Nagkaroon din ito ng mga sold out concerts at napakaraming endorsement. Ang tambalan KathNiel ay nakagawa ng mga blockbuster movies tulad ng, 'Crazy Beautiful You', 'Barcelona', 'Can't Help Falling In Love' at isa sa mga highest grossing film of all time ang 'House Of Us. Si Daniel ay isa ring businessman. Ang estimated net worth nito ay umabot na sa ₱1.1 billion.


Ang mga yaman ng artistang nabanggit ay basi lamang sa ibat ibang artikulo na sumusukat sa yaman ng mga artista sa pamamagitan ng pag-eestimate sa kanilang mga kinita at mga ari-arian at negosyo. Maaring mas malaki pa ang ang actual na yaman at karapatan nila itong isapribado.

Watch Full Video Here:

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo