Hindi Rin Magtatagal! Aljur Abrenica at Aj Raval Maghihiwalay Na!

Walang komento

Huwebes, Hunyo 1, 2023

 


Usap-usapan at viral ngayon sa social media ang relasyon ng celebrity couple na sina Aljur Abrenica at Aj Raval.


Ito ay matapos na kumalat ang mga balitang nagkakamalaboan na ang dalawa at tila nahaharap daw ngayon sa malaking problema ang dating maayos naman na pagsasama ng magkasintahan.


Sa isang social media source ay ihinayag ang suliraning kinahaharap ngayon nina Aj at Aljur.


Matapos nga kasing lumabas ang mga issue na may anak na nga ang dalawa, ay ngayon naman ay nahihirapan daw sila na ihandle ng maayos ang kanilang relasyon.


Ayon nga sa isang source na nahihirapan daw ngayon itong si Aj, dahil sa tila nakukulangan daw ito ng atensyon mula sa kanyang nobyong si Aljur Abrenica.


Tila nawawalan na daw kasi ng oras itong si Aljur para kay Aj Raval, dahil na nga rin daw sa pagiging busy nitong si Aljur sa kanyang trabaho at tila nagseselos din daw itong si Aj dahil halos lahat nalang daw ng atensyon ni Aljur ay napupunta na sa mga anak ni Aljur sa dati nitong asawa na si Kylie Padilla.


Pinagbubulongan din na tila na wawalan na raw ng gana itong si Aljur kay Aj dahil puro nalang daw ito excuses sa tuwing magkakausap silang dalawa, na para bang wala na nga talagang oras itong si Aljur para sa nobya.


Kaya naman ngayon ay nahihirapan na daw itong Aj sa pag-uugaling meron ngayon itong si Aljur Abrenica.


Samantala, marami namang mga netizens ang nagreact ukol sa usaping ito at nagkomento na talagang hindi raw talaga magtatagal ang relasyon nina Aj at Aljur.


At sabi pa ng ilan na baka mayroon na naman daw napagtripan itong si Aljur na ibang babae na ipapalit na naman niya kay Aj Raval, pag iniwan niya na ito.


Nagsimula nga daw kasi sa maling relasyon ang pagsasama nilang dalawa kaya naman hindi na ngaraw nakapagtataka na humantong sa hiwalayan ang ending ng storya ng kanilang pag-iibigan.




Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros Tumanggi Sa Offer ng TAPE Inc.

Walang komento


 Matapos ang pagresign ng TVJ sa TAPE Inc. nitong May 31, 2023, inalok umano ang mga host ng Eat Bulaga na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros na palitan sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ngunit tumanggi umano ang mga ito.


Ang JoWaPao ay naging bahagi ng longest-running noontime show sa loob ng maraming taon. Ang kanilang trio ay minahal din ng mga dabarkads. 


Ilan sa kanilang ginawang memorable skits, lalo na noong Kalyeserye segments kung saan itinampok sina Maine Mendoza at Alden Richards.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kayang magpatakbo ng show ang JoWaPao dahil magaling naman silang mga komedyante. Tiyak na hindi mahihirapan ang tatlo sa pagbibigay ng aliw sa mga manonood.


Kasunod ng official announcement nina Tito, Vic, at Joey sa digital platforms ng Eat Bulaga tungkol sa desisyon nilang umalis sa TAPE Inc., naglabasan ang iba't-ibang spekulasyon sa susunod na mangyayari sa show. 


Ayon pa sa anunsyo ng TVJ, hindi sila pinayagang ng TAPE Inc. na magkaroon ng live airing noong Mayo 31, 2023.


“PUMASOK PO KAMING LAHAT NGAYONG ARAW PARA MAGTRABAHO PERO HINDI PO KAMI PINAYAGAN NG NEW MANAGEMENT NA UMERE NG LIVE.


JULY 30, 1979 PO, NANG SIMULAN NAMIN ANG EAT BULAGA… 44 YEARS NA PO ITO NGAYONG TAON.


KAYA NAMAN LUBOS ANG AMING PASASALAMAT SA MGA NAGING TAHANAN NAMIN – ANG RPN9 FOR 9 YEARS, ABS-CBN FOR 6 YEARS, AT ANG GMA FOR 28 YEARS."


Matatandaan na nauna nang naiulat na tapos na ang negosasyon ng Eat Bulaga at TV5. Kaya naman marami ang nagsasabing lilipat na ang Eat Bulaga sa TV5.


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon hindi na umano Eat Bulaga ang magiging pangalan ng show, magiging Dabarkads na umano ito.


Gayunpaman, hindi pa nagbibigay ng statement ang TV5 hinggil dito.


Matatandaan na nauna nang naglabas ng pahayag ang GMA network kung saan isiniwalat nilang may existing contract pa sa kanila ang TAPE Inc.


Sa kabilang banda, usap-usapan ngayon ang pagtanggi umano nina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros sa offer ng TAPE Inc. sa kanila na palitan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa show.





Pauleen Luna Idinaan Sa Dasal Ang Malungkot Na Nangyari Sa Eat Bulaga!....

Walang komento


 Talagang sobrang apektado ngayon ang maybahay ni Bossing Vic Sotto na si Pauleen Luna Sotto, Dahil idinaan niya sa dasal at panalangin ang malongkot na nangyayari ngayon sa Eat Bulaga.


Sa Instagram ni Pauleen ay ibinahagi niya ang Larawan nila ng asawa niyang si Vic Sotto kasama ang kanilang anak na si Tali.


Kalakip naman ng larawan na ito ay ang kanyang caption na, "Eat Bulaga meant so much to me. Forever grateful. #dabarkadsforever"


Ibinahagi din ni Pauleen sa kanyang Instagram story ang kanyang pagbabasa ng Bible.


Sa kanyang ibinahang video na kanyang binabasa ay makikitang nilagyan niya ng shade ang mga ito. 


Panalangin niya, "I will praise you o Lord with all my heart, I will tell of all your wonders. It will be glad and rejoice is you; I will sing praise to your name; O most high."


"You still the hunger of those you cherish; their sons have plenty and they store up wealth for there children and I in righteousness I will see your face; When I a wake. I will be satisfied with seeing your likeness."


Makikita talagang sobrang apektado si Pauleen ngayon hindi lang dahil isa siya sa mga matagal ng host ng Eat Bulaga kundi dahil sa malaking pagsubok ito ngayon para sa kinakaharap ng kanyang asawang si Vic Sotto.


Nirepost din ni Pauleen ang mga throwback photos nila, na kasama ang mga dating host ng Eat Bulaga.


Samantala, nagbahagi din ng mga larawan nila ni Pauleen ang dating host ng naturang programa na si Ruby Rodriguez. 


Sabi naman niya sa kanyang caption, "My bff @pauleenlunasotto I miss you soso much. You are one of the best reason why no matter what i love Eat Bulaga. If not for this show i would have never met you. Live you and miss you much💖💖💖"



Ice Seguerra, Masaya Sa Desisyon Ng TVJ Na Iwan Ang TAPE Inc.

Walang komento




Hindi naitago ng singer na si Ice Seguerra ang kalungkutan matapos mabalitaan ang desisyon ng Eat Bulaga hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon na umalis sa Television and Production Exponents Inc. (TAPE).


Sa kanyang social media post ipinahayag ni Ice Seguerra ang kanyang kalungkutan sa desisyon ng TVJ. Maging ang ilang mga netizens ay nagulat rin sa biglaang desisyon ng TVJ.


Matatandaan na si Ice Seguerra ang nanalong Little Miss  Philippines ng Eat Bulaga noong 1987.


Ayon pa sa inilabas na pahayag ni Ice, bagama't nalulungkot siya sa kinahantungan ng Eat Bulaga, masaya rin siyang nakawala na ang TVJ sa dating management at makakapag move forward sa ibang management.


“Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko. Lungkot ba o saya?” pahayag ni Ice.


“Malungkot ako sa nangyayari. Sa kawalang respeto. Malungkot ako dahil sa hiwalayang Eat Bulaga at TAPE, mayroong mga taong mag-iiba ang lagay sa buhay. Nalukungkot akong umabot sa ganito.


“Pero masaya ako dahil malaya na sila. Bakit ka mananatili sa isang relasyong hindi ka naman masaya. Hindi rin ako natatakot sa kinabukasan ng programa. Ang Eat Bulaga ay Eat Bulaga. Kahit saang network sila mapadpad, walang paltos silang makakalipad.” 


Agad namang umani ng reaksyon at komento ang post ni     Ice mula sa mga netizens at iba pang mga celebrities.


"Akala ko ba maiiwan ang eat bulaga dahil hindi madadala ng tvj bakit pinagbubunyi mo aisa eat bulaga ?"


"Saan man kau mapad pad na station kami ang mga dabarkads na laging nakasuporta s EAT BULAGA bata pa lang ako eat bulaga n yang hangang ngaun eat bulaga parin kahit ano pa ang itapat jan No.1 pa rin ang eat bulaga"


"Sana kasama k n sa pgblik. Isa ka sa malaking bahagi ng eat bulaga ice!"



Kinasuhan Na Ng Tvj Ang Jalosjos at Kinuha Na Ang Pag Mamay-Ari Sa Eat Bulaga Nila Tito, Vic at Joey!...

Walang komento

 


Nagsimula na ngang kumilos ang TVJ at kinasuhan na ang mga Jalosjos, at nakipag-usap na din ang trio sa isang kilalang lawyer at handa na raw silang lumaban sa korte laban sa puwersa ng mga Jalosjos.


itoy basi sa aming nakalap na impormasyon, upang tuloyan ng maalis ang mga Jalosjos bilang production management team ng Eat Bulaga.


Kahapon ay nag post na ng pahayag si Atty. Enrique Dela Cruz na isa sa mga kilalang lawyer sa Divina Law Firm ito ay isa sa pinaka kilalang law firm sa buong bansa.


Dito nga ay ipinakita niya na nagka-usap na sila ng TVJ at ayon pa sa kanya na kasama si Tony Tuviera sa labang ito ng TVJ kuntra sa mga Jalosjos.


Ito ay upang makuha na nila ang pagmamay-ari at pagmamanage ng Eat Bulaga sa mga Jalosjos.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang mga Jalosjos kasi ang siyang may-are ng TAPE incorporated na siyang producer at namamahala sa Eat Bulaga.


At ang mga Jalosjos din ang siyang nagbabayad sa GMA  sa airtime ng Eat Bulaga.


Nagsumite naman din daw ang TVJ ng Trademark name para sa pangalang Eat Bulaga.


Ito ay upng kung sakali man na ay lumipat sila sa ibang network ay maari nilang dalhin ang pangalang Eat Bulaga.


Napag-alaman din naming nag-apply ang trio noong February 27, 2023.


Samantalang ang claim ng TAPE incorporated ay mag-eexpired na ngayong June 14, 2023.


Matatandaang sinabi nitong kamakailan sa show ng Eat Bulaga na si Joey De Leon ang siyang nag-isip ng pangalan ng Eat Bulaga kaya siya ang may karapatan dito.


Samantala, si Vic Sotto naman ang siyang gumawa ng Eat Bulaga Teamsong na may Lyrics na isang libo't isang tuwa buong bansa Eat Bulaga.


Naglabas namanang GMA7 ng kanilang pahayag tungkol sa usaping ito.










Paolo Contis Ni Realtalk, Sinabihang Makapal Ang Mukha

Walang komento


Hindi naitago ng isang social media personality at dating seafarer na si Lacruiser Relativo ang kanyang pagkadismaya sa ibinahaging pahayag ng aktor na si Paolo Contis sa panayam ng GMA News.


Matatandaang sa panayam ni Paolo, ipinahayag niyang minahal niya si Yen Santos dahil nanatili ito sa kanya sa kabila ng mga isyung kinakaharap niya sa gitna ng hiwalayan nila ng dating kinakasama na si LJ Reyes.


“There was a time, or there was every opportunity, she had every opportunity to tell me or to leave, but she stayed,” pahayag ni Paolo.


Paglilinaw pa ni Paolo, “Hindi mo ba mamahalin ‘yun? During that time that some of my friends, some of the people who actually believed me were leaving, someone stayed. Kumbaga nung lahat palayo, siya papalapit.”


Kaya naman, hindi na nakapagtimpi ang social media personality na si Lacruiser Relativo at tahasang sinabi na makapal ang mukha ni Paolo Contis dahil proud pa ito sa taong naging dahilan ng pagkakasira ng kanyang pamilya.


“Paolo Contis just being so proud of how he handled his moving on. Lol. How could you be so proud when she has been the culprit of controversy in the first place?


"And where do you find the courage to flaunt a person who has been the cause of irreparable damage to the family you once built, and the repercussions that will continue to haunt your children?” saad nito.


“This is not Paolo being proud. But him being makapal ang mukha. To the likes of you, how dare you to say na maiintindihan ng anak paglaki nila ang mga nangyari. Kung ako ang anak, ayaw kong intindihin ang rason na hindi ka na kontento. 


"At lalong ayaw ng anak intindihin ang pagsisinungaling ng magulang. Kung may kawawa sa mga hiwalayan ng matatanda yun po ang mga bata!” pagpupunto pa nito.


Agad naman itong umani ng samu't-saring reaction mula sa mga netizens. Marami sa mga ito ang sumangayon sa pahayag ni Relativo.



Moira at Zack May Couple Tattoo?...

Walang komento

Miyerkules, Mayo 31, 2023

 


Viral at pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga kumalat na mga lumang larawan nina Moira Dela Torre at Zack Tabudlo.


Nag-ugat ang pagkalat ng mga lumang larawan ng dalawa ng magsalita ang isang song writer na nagsasabing si Moira ay maihahaltulad sa wolf's in sheep's clothing.


Sa social media post ng song writer na si Lolito Go, ay sinabi nitong, "Looks and voice can definitely deceive. This soft spoken lady with a voice of an angel, who always seems to have a sunny disposition, and has a penchant for quoting the Bible. Has a dark side unknown to many. "A wolf in sheep's clothing."


Kaya naman katapos nito ay hinalungkat ng mga netizens ang mga lumang larawan at post nina Moira at Zack.


Lumabas nga ang post noon ni Moira noong March 2022 nong nagdaang taon, kung saan ay makikita sa larawan na ipinost ni Moira na kasama niya si Zack sa isang hotel room. 


Kalakip naman ng post na ito ni Moira ang kanyang caption na, "Feels like I've known you a lifetime. But I only met you last night ily @Zack Tabudlo."


Bukod dito ay mayroon pang lumabas na video kung saan ay makikitang hinagkan sa noo ni Zack si Moira bago ito yakapin, na binigyan naman ng ibang mga kahulogan o interpretasyon ng mga netizens. 


Dagdag pa rin dito ang ilang mga larawan nina Zack at Moira na ipinost ng mga netizens sa social media na makikitang may parehong-pareho na maliit na tattoo sina Moira at Zack sa kanilang mga kamay.


Samantala, habang lumalaki naman ang mga issue na ibinabato kay Moira ay tila naghahanda naman ang kampo nito na posibleng umabot nga ito sa korte.




Sass Sasot Pinaalalahan Si Moira dela Torre Na Kasal Pa Rin Sila Ni Jason Hernandez

Walang komento


 Pinaalalahanan ng isang international relations expert ang singer na si Moira Dela Torre na kasal pa rin sila ni Jason Marvin kaya hindi umano ito maaring magjowa. Ito ay sa gitna ng isyu na may sektretong relasyon sina Moira Dele Torre at kapwa singer na si Zack Tabudlo.


Sa isang Facebook post, nag-react si Sass Rogando Sasot sa pahayag ni Moira, pinaalala niya kay Moira na hindi pa siya tuluyang nakaalis sa marriage nila ni Jason dahil hindi pa annulled ang kanilang kasal.


Matatandaang sinabi ni Moira na ‘umalis’ na siya sa kasal nila ni Jason.


Kaya naman, ipinunto ni Sasot na legal pa rin ang kasal ni Moira kay Jason at maaaring magdulot sa kanya ng problema ang napapabalitang relasyon nila ni Zack.


Dahil dito nagbigay ng payo si Sass Sasot na simulan na ni Moira ang paghahain ng annulment laban kay Jason kung talagang gusto niyang magkaroon ng bagong partner.


“Teh, in the first place, you did NOT leave a marriage, you are STILL married. You are still Jason’s wife, and he is still your husband. Second, you really have to defend your decision to leave a marriage if you finally decide to leave it, and in our country you can only leave it through an annulment.”


“And third, if you decide to have another jowa while you are still married, that’s adultery, even according to your Christian values. So itigil mo na ang drama mo: either you offer your petchay again to your husband. Or file an annulment, saad ni Sass Sassot.


Sinigundahan naman ito ng ilang mga netizens at pinayuhan pa si Moira na huwag nang pagkakitaan pa ang hiwalayan nila ni Jason at magfile na ng annulment.


“She should have take care of the annulment ASAP, but hey, kumikitang kabuhayan kase ang pagiging “heartbroken” ng mga kanta nya hahaha! Business wise she took the opportunity and capitalized their situation haha!”



Alden Richards Nilinaw Na Sa Publiko!...

Walang komento

 


Masaya ang kapuso star na si Alden Richards para sa dati niyang ka loveteam na si Maine Mendoza at sa kasintahan nitong si Arjo Atayde.


Deserving naman daw ni Maine na maging masaya sa piling ng kanyang pinakamamahal na fiance na si Arjo Atayde.


Kaya naman hiling ni Alden na sana maging masaya nadin daw ang AlDub fans para sa kani-kanilang mga personal na buhay.


Sa show ni Ogie Diaz ay na banggit ng Asia's Multi Media Star na si Alden Richards na erespeto sana ng lahat ang relasyon nina Maine Mendoza at Arjo Atayde na malapit ng ikasal.


Pahayag ni Alden, "Sa ngayon po kasi kung anong mayroon kay Maine at Arjo inirerespeto ko po iyun, I'm really-really happy for her, kasi atleast kahit papano nakikita ko sa kanya mismo na masayang-masaya siya."


"Irespeto nalang po natin kung anu man ang meron si Maine ngayon sa personal niyang buhay, kasi kung anu man po yun deserve niya po yan."


Sinagot din ni Alden ang matagal na nachismis na may anak na daw silang dalawa ni Maine na nag-ugat sa ilang mga social media post na talagang fan na fan ng dalawa noong kasagsagan ng career ng loveteam nila ni Maine.


Paglilinaw ni Alden, "Chismis lang po iyun wag po kayaong maniwala hangga't hindi po napapatunayan, wala po akong inililihim o itinatago sa kanila, pero doon sa part na may anak, wala po kaming anak ni Maine yan po ang totoo."




Lolito Go, Nakipag-Settle Na Sa Ina Ni Moira Dela Torre

Walang komento


 Matapos ang pagtatalak ni Lolito Go sa kanyang Facebook account patungkol sa mga kabulastugan umanong pinaggagawa ni Moira Dela Torre at sa mga depensa ng mga taong malapit rito, tila kumakambyo na ngayon si Lolito matapos ang pakikipag heart to heart talk sa ina ng singer.


Sa kanyang huling post, ipinahayag niyang nagkausap na sila ng ina ni Moira at naayos na umano na nila ang lahat. Nag-iyakan at naging emosyunal pa umano sila habang inaayos ang mga bagay-bagay.


“Right after writing this, I had a heartfelt, tearful talk with Tita Raquel and Tito John.


“Maraming bagay ang nalinaw. Lumuwag ang mga puso namin. Sana magpatuloy na lang yung ganitong peace.


“Nasabi ko na rin sa kanila ang mga bagay na hindi ko mabanggit sa social media. Moira’s parents are indeed people of God. God was in the middle of us during the talk,” saad ni Lolito.


Gayunpaman, pinagdidiinan ni Lolito na pinaglalaban lamang niya ang alam niyang tama at totoo sa relasyon nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez.


“Uulitin ko ang sinabi ko sa original post at paninindigan ko ito, we sometimes need dissonance to achieve harmony. We sometimes have to wage war to achieve peace.


“I needed to call out what needs to be called out. Sana matapos na ito dahil mga marites lang naman ang nag-eenjoy. We will settle things privately. At alam kong makakamove-on din tayong lahat.”


Umani naman ng mga komento mula sa mga netizens ang pagpapahayag ng pagkambyo ni Lolito Go.


"Kung alam mong agrabyado ka, go to court. Settle things there, kesa mag ingay ka dito sa socmed na alam naman nating pare-pareho na walang manguayari kundi palitan lang ng mga msgs. You don't need to seek sympathy from the public. SETTLE THINGS LEGALLY. NAGMUMUKHA KANG CLOUT CHASER dahil in your own words "malaki ang kinita ng album"."


"I like and love the songs, the lyrics, but not the artist."

Max Collins, Isiniwalat Na Matagal Na Silang Hiwalay ni Pancho Magno

Walang komento


 Isiniwalat na ng aktres na si Max Collins ang totoong estado ng relasyon nila ng aktor na si Pancho Collins.


Matatandaang, nadulas sa noon si Kylie Padilla sa isang panayam kung saan hindi sinasadyang maisiwalat ang pagkakatulad nila ni Max Collins.


Pareho umano silang ikinasal, nagkaanak at naghiwalay. Gayunpaman, hindi nagbigay ng anumang komento noon sina Max o Pancho. Kaya naman, natahimik na lamang ang isyung iyon.


Samantala, sa kamakailang guesting ni Max Collins sa Fast Talk With Boy Abunda, inamin na ng aktres na matagal na silang naghiwalay ng mister na si Pancho Magno. Hindi na lamang umano nila ito pinag-uusapan pa.


"We split up a long time ago during the pandemic and we didn't talk about it because marami kaming pinagdaanan as a family that time, there was a pandemic, nanganak ako, our marriage was falling apart," pag-amin ni Max.


Aminado din ang aktres na hindi naging madali para sa kanya ang paghihiwalay nilang dalawa.


“I think every separation naman is difficult but it was amicable. We were not working and we needed to try spending time apart to see how that would work because we have a son to think about and to be honest in order to have a happy child his parents should be happy, it is very important.” 


Ipinaliwanag din niya na walong taon na silang magkasama at talagang ipinaglaban nila ang kanilang relasyon hanggang sa dumating sa puntong hindi na sila in denial at tanggap nang hindi na talaga magwowork pa ang kanilang pagsasama.




Enrique Gil, Emosyonal Sa Hiwalayan Nila Ni Liza Soberano!...

Walang komento

 


Trending at pinag-uusapan ngayon sa social media ang latest vlog ni Ogie Diaz na dating talent manager ni Liza Soberano.


Dahil ayon daw sa source ni Ogie na kumpirmado na daw na hiwalay na nga ang LizQuen na sina Liza Soberano at Enrique Gil.


Marami nga daw ang nalongkot na mga fans ng dalawa at talagang nanghinayang dahil halos walong taon din tumagal ang naging relasyon nina Liza at Enrique.


Ang totoo pa nga daw ay talagang omi-effort pa itong si Enrique para magpatuloy pa ang kanilang relasyon na dalawa ngunit talagang ayaw na ngadaw ni Liza na ipagpatuloy pa ang kanilang relasyon.


Dahil magfofocus nga daw muna itong si Liza sa kanyang bagong karera ngayon sa America.


Ayon pa kay Ogie Diaz na nakakalongkot daw ang balitang ito dahil saksi din siya sa magandang samahan at relasyon nina Enrique at Liza.


Sa ngayon ay sobrang busy nga daw nitong si Liza Soberano sa kanyang career sa America at habang si Enrique naman at kakapirma pa ngalang ng kanyang bagong renew na kontrata sa ilalim ng ABS-CBN management.




Paolo Contis, Ipinahayag Na Nais Nang Makasama Ang Anak Nila Ni LJ Reyes

Walang komento


 Ipinahayag ng Kapuso actor na si Paolo Contis na nais na niyang makasama ang anak nila ni LJ Reyes na si Summer.


Subalit, tila hindi pa ito pinapayagan ni LJ Reyes dahil ayon sa pahayag ni Paolo, hinihintay pa niya ang pagpayag ni LJ Reyes.


Ayon pa kay Paolo Contis, araw-araw niyang namimiss si Summer at palagi itong laman ng kanyang isipan.


Sakaling papayag na si LJ ay kaagad umano siyang pupunta sa Amerika upang makita at makapiling muli ang kanyang anak na mahigit dalawang taon na niyang hindi nakakasama at nakikita.


Wala na rin umanong pakialam si Paolo sa kanyang mga bashers na hindi naniniwalang nais niyang makitang muli ang anak at makasama. Dahil siya naman umano ang may alam sa buo niyang nararamdaman.


"They don't believe me, I don't care, but that's how I feel. I miss Summer every day, I really do. I have videos of her. I always watch [them] every time I wake up. I look at pictures all the time,” saad ni Paolo.


Hiling din ni Paolo Contis na magkakasundo na sila ni LJ Reyes upang regular na niyang makakasama si Summer.


“Kapag sabihin na natin napatawad ako at mas magaan na 'yung mga bagay bagay, I hope we can get to talk and kumbaga come to an agreement na makita ko si Summer and you know at least talk to her regularly.”


Gayunpaman, alam naman umano ni Paolo na matatagalan pa ang pagkakasundo nila ni LJ Reyes, subalit alam niyang dadating din iyon.


“Gusto ko na kung pumunta 'ko, merong approval kasi ayoko rin ng gulo, ayokong mabigla sila, ayokong maguluhan sila doon. I believe it takes time, I know her it will really take time, especially sa nangyari din sa amin hindi rin naman simple di ba, so naniniwala ako it will take time."


Si Lourna Jane Pujeda Reyes, na mas kilala bilang LJ Reyes, ay isang Pinay na aktres at paminsan-minsang modelo. Ipinanganak siya noong Disyembre 25, 1987 sa Quezon City. 


Kilala si LJ bilang kabilang sa mga nasa Final Four noong 2nd season ng GMA "StarStruck." She was one of the leading ladies in the TV series "Babangon Ako't Dudurugin Kita." Nanalo si LJ bilang Best Supporting Actress noong 2010 Cinemalaya film awards sa pelikulang "The Leaving."




Lian Paz, Isiniwalat Na Nais Nang Palitan Ng Kanyang Mga Anak Ang Kanilang Apelyido

Walang komento


 Kasunod ng pasabog ni LJ Reyes patungkol sa kanyang engagement, sinundan naman ito ng isa pang pasabog ng dating karelasyon din ni Paolo Contis na si Lian Paz.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Lian Paz sa kanyang social media account ang kanyang pagbati sa pagiging top achiever ng kanyang anak na si Xonia Contis.


Kalakip ng isang heartwarming message ibinahagi rin ni Lian ang mga awards at certificates na natanggap ng kanyang mga anak.


"Congratulations Our Dear Ate Xonia! My Nia2x! You ended your first year in high school as Top 1 in your class and overall top achiever in your grade level! You have always been consistent [in] being excellent in school, I am amazed with your perseverance, and I am grateful to God for that gift to you. Continue to honor the lord in everything! I am proud of you Xonia!" caption ni Lian sa kanyang post.


Subalit, may isang netizen na nagkomento sa post ni Lian kung saan pinansin nito ang apelyido na dinadala ngayon ni Xonia.


"Bitbit pa apelyido, wala naman ambag ahahaha. Anyway, congrats... you have a long way to go... aim high!"


Hindi naman ito pinalampas ni Lian at kaagad na sinagot kung saan ipinahayag niyang nais na ng mga anak na palitan ang kanilang dinadalang last name.


"Asking na nga po ang mga bata to have it changed."


Sina Xonia at Xalene ay anak ni Lian Paz sa dating asawa na si Paolo Contis. Matatandaang, inamin ni Paolo sa kamakailang panayam sa kanya na hindi siya nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak noon pa man.


Subalit, may savings naman umano siya para sa mga ito na ibibigay niya pagdating ng araw.




Buking! Tunay Na Dahilan Sa Pag-Alis Ng Biglaan Nila Tito, Vic at Joey Kasama Ang Eat Bulaga!...

Walang komento

 


Ayon sa aming nakalap na impormasyon ay kaya daw, kumalas ang TVJ sa TAPE incorporated ay dahil sa hindi daw pinayagan ng mga Jalosjos na umere ng live ang Eat Bulaga ngayon araw.


Na tila ba isang force resignation ito para sa TVJ, dahil sa hindi na nga sila pinapayagan ng mga Jalosjos na eere ng live ang kanilang show na Eat Bulaga.


Matatandaang matagal na din naman na gustong humiwalay ng TVJ sa TAPE incorporated, para ipaglaban ang kanilang karapatan sa Eat Bulaga.


Dahil sa ibinigay daw talaga ng TVJ ang lahat, kaya naman umabot hanggang ngayon ang pamamayagpag ng naturang programa dahil sa dugo at pawis na kanilang inilaan rito.


Samantala, ayon naman sa iba pang mga lumabas na balita na medyo matagal-tagal ding diskosyon ito sa korte para sa dalawang panig dahil sa maykarapatan daw talaga ang TVJ sa programa na Eat Bulaga.


Simula nga ngayon araw ay hindi na makikita pa ang trio sa programa na Eat Bulaga, na talagang sobrang ikinalongkot ng maraming mga tagahanga nila lalong-lalo na sa mga tagasaubaybay ng programa na napapasaya ng TVJ.


Ito na nga ba daw kaya ang pagtatapos ng Era ng the longest running noontime show na Eat Bulaga.


Sa mga naging pahayag ng TVJ ay hindi naman nila na banggit kung madadala ba nila sa kanilang pag-alis ang titulo na Eat Bulaga, kaya hindi pa  malinaw sa ngayon kung anu nalang ang mangyayari sa nasabing programa.


Samantala, narito naman ang kanilang mga naging pahayag, ang sabi ni Tito Sotto, "Pumasok po kaming lahat ngayong araw, para magtrabaho pero hindi po kami pinayagan ng new management na umere ng live."


Pahayag naman ni Joey De Leon, "July 30, 1979 po, ng simulan namin ang Eat Bulaga. 44 years na po ito ngayong taon na ito."


Dagdag pa ni Joey, "Kaya naman lubos ang aming pasasalamat, sa mga naging tahanan namin. Ang RPN9 for 9 years, ABS-CBN for 6 years at ang GMA for 28 years."


Heto naman ang naging pahayag ni Bossing Vic Sotto, "Salamat din sa lahat ng advertisers mula 1979, na nagmahal at nagtiwala at sumuporta sa amin."


"Ito po siguro ang pinakamahirap na desisyon na ginawa namin simula 1979. Hindi na po namin isa isahin pa ang laman ng aming puso."




RK Bagatsing Usap-Usapan Ang Pagkaka Tsugi

Walang komento


 Usap-usapan pa rin ngayon sa online world ang pagtsugi ng karakter ni RK Bagatsing bilang si Greg sa “FPJ’s Batang Quiapo” nitong Lunes, May 30.


Marami naman ang nalungkot sa pagkakatsugi ni Greg sa Batang Quiapo dahil sa galing na ipinakita ni RK Bagatsing.


“Maraming salamat, Mr RK Bagatsing sa napakahusay at di matatawarang pagganap sa FPJ’s Batang Quiapo. PAALAM, GREG,” pagbabahagi ng Dreamscape Entertainment social media page.


Trending din ngayon ang nangyaring sagupaan nina Tanggol at Greg kung saan tuluyang namaalam ang huli.


May ilan pang kinatuwaan ang nasabing episode at naglabas ng kung ano-anong memes.


“Sinampal ba naman si Ma’am Charo ehh nag last day tuloy ahahaha. What a great character portrayal! Will always be a fan of RK!”


“Bat mo naman kasi sinampal si Ma’am Charo Greg? Tapos talaga character mo dyan hahahaha.”


“Sinampal niya si Lola Tindeng. Nagalit si Tanggol kaya ayun tinuluyan niya. A good job from RK Bagatsing as Greg.”


Samantala, nagpapasalamat naman si RK sa lahat ng mga sumuporta sa kanya at sa kanyang karakter sa nasabing teleserye.


“Greg Montenegro, signing off. Maraming salamat po direk coco, direk malu, direk darnel, cast and crew, sa buong solid team ng #FPJsBatangQuiapo.


“Napaka swerteng masaksihan at maramdaman yung dugo’t pawis na binibigay niyo bawat oras, para makapag bigay ng kasiyahan sa lahat ng manonood at taga suporta gabi gabi,” saad ni RK.


Humingi rin siya ng sorry sa pananampal kay Ms. Charo Santos.


 “PS: Maam Charo, sorry po. Labyu.”



Christian Merck Grey Ibinigay Na Kay Xander Ford ANG 350 Thousand

Walang komento


 Sa wakas ay ibinigay na ni Christian Merck Grey kay Xander Ford ang 349 thousand na pilit nitong sinisingil sa kanya. Ginawa pa niya iong 350 thousang para wala na umanong butal.


Matatandaan na ipinahayag ni Xander Ford na handa siyang magpatulong kay Sen. Raffy Tulfo sa paniningil kay Merck sa ipinangako nitong pera para sa binyag ng kanyang anak.


Inihatid mismo ni Merck ang pera kay Xander Ford, gayunpaman, tanging si Xander lamang ang humarap kay Merck para kunin ang pera at wala ang ka-live in nitong si Gena Mago. Gayung una nilang napagkasunduan na ibibigay mismo ni Merck ang pera sa harap ng kinakasama ni Xander.


Ayon naman kay Xander, busy si Gena sa pag-aalaga sa kanilang anak na si Baby Xeres kaya siya na lamang ang humarap kay Merck. Tila naiinis pa si Xander at ipinuntong wala nang karapatan doon si Merck at sa kanya na lamang ibigay ang pera.


Samantala, sa bigayan nila ng pera, inamin ni Xander Ford na hindi naman pala talaga nangako si Merck sa kanya na magbigay ng 349 thousand.


Biniro lamang umano siya nito sa komento na magbibigay ito ng kalahati sa bayad sa binyag at sa reception.


Gayunpaman, labis-labis ang tuwa ni Xander Ford sa ibinigay na pera ni Merck sa kanila.


Ayon kay Xander, magdidiwang silang pamilya sa bigay na pera ni Merck, gagamitin rin umano niya ang iba rito para makapagtayo ng negosyo at ang iba ay idedeposit niya sa account ni Baby Xeres.


Hindi naman nagustuhan ng ilang mga netizens ang pagiging ungrateful ni Xander ni hindi pa ito nagpasalamat sa perang ibinigay ni Merck.


"Napakabait mong tao christian salute to you🙏❤️ madaming ganyang klase ng tao tulad ni marlou siya na tong binigyan ni magthank you dipa nasabi nakakalokang paguugali 👊👎

May god bless you more Grey'sFamily"


"Grabe to si Marlo,di na nahiya..parang sya pa ang galit .responsibilidad mo yan Marlo sa anak mo.pasalamat ka nalang kay sir Merck ksi nagbigay ng ganyang kalaking pera..hay jusko..buti ambait pa ni sir Merck na tinulungan kpa .godbless u more sir Merck"




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo