Vicki Belo, Kumuha Ng Mga Designer Mula Sa US Para Gumawa Ng Kanyang Christmas Tree!

Walang komento

Huwebes, Disyembre 1, 2022


Ibinahagi ni Dra. Vicki Belo sa kanyang Instagram account ang video kung saan makikita ang kanyang bonggang christmas tree, na tinawag niyang Queen Bee Belo Tree.

Sadyang pinabongga ang Christmas tree ngayong taon ni Dra. Vicki dahil talagang kumuha pa siya ng mga designers mula sa Gitterville Studios na nakabase sa Amerika upang gumawa nito.

Makikita sa video ang napaka gandang designs ng kanyang christmas tree, makikitang ang ilang tila mga beehives na nakapalibot sa Christmas tree at makikita rin ang ilang mga cute na bubuyog rito.

"Been waiting sooo long to share our tree with you ! I’m so glad @glitterville was able to do our Christmas tree again this year ; I’m so happy with how it turned out Thank you for our Queen Bee Belo tree!" captioned Vicki sa kanyang Instagram video post.


Misis Ni Andrew Schimmer Na si Jho Rovero Comatose Pa Rin Hanggang Ngayon!

Walang komento


Muling nagbahagi ng panibagong update si Andrew Schimmer hinggil sa kalagayan ng kanyang asawa na si Jho Rovero. 

Hanggang ngayon ay nananatili pa ring comatose si Jho matapos muling isugod sa hospital.

"Until now she's still in a very very very very deep sleep," paglalarawan ni Andrew.

Gayunpaman, nanininiwala pa rin si Andrew na muli itong magkakamalay para sa kanya at sa kanilang mga anak. Alam din umano niya na naririnig nito ang kanilang mga ikinukwento.

"But she's really really conscious. She can hear me. I can feel it, I can sense it. Deep down my heart," emosyonal na pagbabahagi ni Andrew.

Muli ring pinasalamatan ni Andrew ang lahat ng tumulong at sumusuporta sa kanilang pamilya lalo na sa pakikipaglaban sa karamdaman ni Jho.

Ibinahagi rin ni Andrew na matapos niyang tanggapin ang kanyang award ay kaagad siyang nagtungo sa hospital. Labis na nanghihinayang si Andrew dahil kung hindi lamang sa pagkakasakit nito ay kasama niya sana ito sa pagtanggap ng kanyang parangal.


Toni Fowler Muling Binanatan Ang Mga Netizens Na Hindi Siya Gusto Mula Noon!

Walang komento


Muling binuweltahan ni Toni Fowler ang mga netizens na nagsasabing namimiss na nila ang dating Toni Fowler. Yung hindi siya retokada.

Ang nasabing komento ay mula sa latest video na ibinahagi ni Vince kung saan makikita ang pamamaga ng mukha ni Toni dala ng bagong cosmetic procedure na ipinagawa niya.

Agad ni-repost ni Toni ang nasabing komento at sinabing hindi naman talaga siya gusto ng taong ito retokada o hindi. Memacompare lamang.

“‘Nakakamiss yung dating Toni’. Comment ng mga taong mula noon di naman ako bet. Memacompare lang,” pahayag ni Toni sa kanyang Facebook post.

Samantala agad namang umani ng komento mula sa mga tagasuporta at bashers ni Toni ang kanyang post. May nagsasabi pang sumusobra na umano ang pagpapa-retoke ni Toni na hindi na magandang tingnan bagkus ay nakakapangit na.

“Nakakamiss yung totoong maganda at sexy na Toni. Ngayon kasi binobola ka na lang ng mga tao kahit di ka naman sexy ang pepeke ng mga tagahanga mo mga bulag o ano… Sobrang di maganda ang katawan mo now sa totoo lang nasobrahan na parang dalawang bola ang pinasok sa puwet na super fake tingnan. I love the old looks.” komento ng isang netizen.


Bryan Boy Hindi Uurungan Ang Mga Bashers, Hindi Babawiin Ang Kanyang Chanak Remarks!

Walang komento


Naging mainit na usap-usapan ng mga netizens ang pangrerealtalk ni Bryan Boy, isang international Filipino Fashion blogger, sa isang inang nanghihingi sa kanya ng tulong para pang-gatas at pang-diaper ng kanyang baby.

Ayon kay Bryan Boy sa kanyang ibinahaging Facebook video nitong Lunes, nais sana niyang tulungan ang ginang subalit hindi naman siya ang gumawa ng baby kaya bakit siya umano ang magpo-provide ng mga basic needs nito?

"Gusto sana kitang tulungan, pero hindi ako gumawa ng baby na ‘yan. Kung basic needs na nga lang ng anak mo, hindi mo ma-provide, anong gagawin mo kapag lumaki na ‘yang bata na ‘yan?” diretsahang pahayag ni Bryan.

Pagpapayo pa niya sa lahat, “’Yun na nga eh, kung wala talaga kayong pera, ‘wag na kayong gumawa ng bata. And, wag na kayo magdagdag ng chanak sa mundo.”

Agad namang umani ng samu't-saring komento at pambabatikos ang nasabing pahayag ng online personality. Subalit sa kabila nito hindi pa rin umano babawiin ni Bryan ang kanyang naunang pahayag hinggil sa pagdadala ng bata sa mundo na hindi kayang i-provide ng mga magulang.

Sa kanyang latest Tiktok video muling ipinaliwanag ni Bryan ang kanyang nagdaang pahayag.

“Yung sa akin lang talaga, I will not gonna back down for what I have said. Hindi ko ho babawiin ‘yan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit naging isyu ‘yan. I’m sure yung mga magulang diyan, alam naman nila siguro kung gaano kahirap magkaroon ng anak, ‘di ba? Ang daming gastusin… ako nga wala akong anak pero alam ko kung gaano kamahal magkaroon ng anak.” saad ni Bryan.

Sa huli tinanong pa ni Bryan ang kanyang mga followers kung mali ba ang kanyang pahayag hinggil sa mga gastusin sa pagkakaroon ng anak.

@bryanboy

Everyone deserves a good life lalo na ang mga anak

♬ original sound - Bryanboy

Kalagayan Ni Kris Aquino sa Amerika Ipinasilip!

Walang komento

Ibinahagi ng isang segment writer ng ABS-CBN  na si Darla Sauler ang larawan ng Queen Of All Media na kasalukuyang nagpapagamot sa Amerika.

Ito ang pinaka-latest na larawan ni Kris Aquino na ipinakita sa social media matapos manahimik ng aktres dala ng kanyang medical conditions.

"You always make time for family. Happy to visit and catch up with you and the kids while you’re in the US, Krisy. Continuously praying for your well-being. Love, love, love you, Bimb and Kuya always, @krisaquino. 🤍" caption ni Darla sa kanyang Instagram post. 

Hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon ang segment writer hinggil sa kalagayan ni Kris Aquino bukod sa larawang ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Matatandaang naging usap-usapan ang latest Instagra post ni Kris Aquino matapos nitong magbigay ng open letter para sa kanyang ama. Tila isa itong sagot sa upcoming movie ni Direk Darryl Yap na Martyr or Murderer, kung saan kasama sa tauhan ng nasabing pelikula ang kanyang ama na si Dating Senador Ninoy Aquino Sr.

Acting Skills ni Aiko Melendez Puring-puri ni Ogie Diaz!

Walang komento

Miyerkules, Nobyembre 30, 2022


Ibinahagi ng talent manager na si Ogie Diaz ang kanyang paghanga sa angking talento sa pag-arte ng aktres na si Aiko Melendez.

Maging ang mga larawan na ibinabahagi ni Aiko Melendez ay pinuri din ni Ogie. Ayon sa kanya mukhang wala pang anak si Aiko sa mga larawan at makikita rin umanong fresh na fresh ito sa mga photos.

"Dukot na lang po dito ang mga online news ng new photos ni Aiko Melendez, ha? Fresh. Parang walang anak. Dalaga ulit.  Mahusay umarte. Puring-puri sa “Mano Po” ang husay," pahayag ni Ogie Diaz.

Ibinahagi rin ni Ogie kung gaano ito ka-hardworking at effective na konsehal sa District 5 ng Quezon City. Hindi umano ito katulad ng ibang nananalo sa election na hindi na makikita ng mga tao pagkatapos ng election.

Dennis Padilla Nais Makipag-ayos Sa Mga Anak Kay Marjorie Bago Magpasko!

Walang komento

Agad nakarating sa aktor na si Dennis Padilla ang pahayag ng anak na si Leon Barretto na handa ito makipag-ayos sa kanya sa tamang panahon.

Kaya naman sa isang panayam nitong November 30, ipinahayag ni Dennis Padilla ang labis na pangugulila sa mga anak. Nais din umano nitong makipag-ayos sa kanyang mga anak bago pa man magpapasko.

Inamin din ni Dennis na masakit sa kanya ang desisyon na iwan ang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon noong naghiwalay sila ni Marjorie Barretto.

“Julia was ten years old then, si Claudia, eight years old, at si Leon, three going four years old. Kapag naghiwalay kayong mag-asawa, masakit yun, pero ang mas painful part, yung mahihiwalay ka sa mga anak mo. Pero yung mawalan ka ng communication sa mga anak mo, torture talaga. Torture yun kasi hindi ko na sila nakakausap,” pahayag ni Dennis sa isang panayam.

Aminado din naman si Dennis na minsan ay napagtaasan niya ng boses ang mga anak sa pag-uusap nila sa telepono dahil sa frustration. Subalit, kailanman ay hindi umano siya nagtanim ng galit sa mga ito.

Matatandaang nabash kamakailan si Dennis Padilla dahil sa mga hirit nito para sa mga anak. Gayunpaman, ayon kay Dennis naiintindihan niya ang pinanghuhugutan ng ilang bashers.

 

Binigyang Pugay Sina Cherie Gil at Susan Roces Sa 5th EDDYS!

Walang komento


Ang EDDYS (Entertainment Editors' Choice Awards) ay isang paraan para kilalanin, bigyang-inspirasyon, at bigyan ng karangalan ang ilang personalities na naging dahilan kaya lumago ang Industriya ng Showbiz sa bansa.

Isa sa mga highlight ng EDDYS ngayong taon ay ang tribute para kay La Primera Contravida Cherie Gil at Queen of Philippine Cinema na si Susan Roces. Ang dalawang yumaong aktres ay magpakailanman kikilalanin bilang mga beacon ng industriya ng pelikula sa Pilipinas.

Binigyan sila ng tribute sa 5th EDDYS Awards nitong November 27, 2022. Kinanta naman ni Ice Seguerra ang emosyonal na rendition niya sa kantang "Minsan Minahal Ay Ako", habang nasa background ang mga video ng ilan sa kanilang mga iconic na eksena. 

Tinanggap ng kapatid ni Cherie Gil na si Christopher De Mesa ang award para sa yumaong aktres.

“Maraming, maraming salamat po to the Society of Philippine Entertainment Editors. Thank you so much for giving this recognition to my sister, Cherie, and I’m very sure that if she was with us tonight, she would gladly, happily, and proudly accept this. It’s just so sad that she is not with us anymore, but she left a strong footprint for us to remember her by.” pahayag nito.

Present naman sa nasabing awarding ang mga pamangkin ni Susan Roces na sina Joseph at Jeff Sonora upang tanggapin naman ang award nito.

“Sa lahat na bahagi ng buhay niya, the people in the industry have always been beside her. And even though she’s gone now, we still feel that everybody is beside her, looking out, paying tribute, appreciating her. Thank you.”


Sylvia Sanchez Pinasalamatan Sina Arjo Atayde at Maine Mendoza Sa Pagbisita Kay Lola Rose!

Walang komento


 Masayang ibinahagi ng ina ni Arjo Atayde na si Sylvia Sanchez sa kanyang Instagram account ang pasasalamat sa mag-fiancee na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Matapos nilang bisitahin ang kanilang lola sa kabila ng hectic schedule.

Ibinahagi ni Sylvia ang ilang mga larawan ng dalawa sa pagbisita nila sa matanda. Pinasalamatan niya ang dalawa dahil sa paglalaan ng oras para sa pagbisita at pagpapakilala sa kanilang relatives.

"Maraming salamat mga anak, Arjo at Maine kahit napaka-busy niyo parehong dalawa. Naglaan kayo pareho ng oras para ipakilala mo Arjo si Maine kay Tita Janice, Tito Kenneth, at kay Lola Rose mo. Napakasaya ng puso ko. Salamat mga anak. Truly appreciated! Love you both," caption ni Sylvia sa kanyang post.


Cristy Fermin, Sinabing KSP si Jennylyn Mercado!

Walang komento


Maging ang isa pang beteranang Showbiz Columnist na si Cristy Fermin ay nagbigay na rin ng opinyon hinggil sa viral post ni Jennylyn Mercado tungkol sa nabubulok na karne na nabili umano ng aktres sa isang supermarket.

Naging laman ng usapan nina Manay Cristy Fermin at Romel Chika sa latest episode ng CristyFerminute ang naging reklamo ni Jennylyn. Ayon sa kanila, mali ang ginawang pagpopost ni Jennylyn sa nasabing larawan dahil maari naman umano niya itong i-settle privately sa supermarket.

"Ano ba naman yun tumawag ka sa opisina nung pinagbilihan mo na napakalaking pamilihan at itanong mo, 'Bakit kaya ganito itong nabili ko sa inyo na ganito ganyan?' Kasi para sa kaligtasan niya yun, tama yun eh, tama yung i-check mo yung pinamimili mo at binabayaran mo yan. Dapat mo lang na tanungin yung pinagbilihan mo kung okay pa bang iluto at kainin. Tama yun. Pero para i-post mo pa sa iyong account," pahayag ni Cristy Fermin.

Ipinunto rin ni Cristy Fermin na dapat nakita na umano ni Jennylyn ang kalagayan ng karne habang namimili pa lamang at hindi nung lulutuin na niya dapat. Ayon pa kay Manay Cristy may ilang mga netizens na tinatawag ngayon si Jennylyn na nagpapapansin lamang o KSP.



Retired Referee na Si Carlos Padilla Umamin Na Nandaya Para Manalo Si Manny Pacquiao!

Walang komento


Isang nakakagulat na rebelasyon ang isiniwalat ng retired referee na si Carlos Padilla patungkol kay Boxing Champ Manny Pacquiao.

Inamin ng retired referee sa isang panayam na may ginawa umano siyang pandadaya para lamang manalo sa laban si Manny Pacquaio sa isang Australian fighter na si Nadal Hussein noong 2000. 

Ayon kay Carlos, sinadya umano niyang bagalan ang pagbibilang noong ma-knock out si Pacquiao upang makabawi pa ito ng lakas.

“So, you know the opponent, Hussein, or whatever his name was. He is taller, younger, stronger and a dirty fighter, managed by Jeff Fenech. So in the fourth round, Manny got knocked down, I thought he was going to get up, but his eyes were cross-eyed. I am Filipino, and everybody watching the fight is Filipino, so I prolonged the count. I know how to do it. When he got up, I told him, ‘Hey, are you okay?’ Still prolonging the fight. ‘Are you okay?’ ‘Okay, fight.’” pagsisiwalat ng retired referee.

Dagdag pa nito na sinadya niyang patagalin ang fight at ang pagpapa-deduct ng points ni Hussein.

“Because Manny was not like Manny is now, he wasn’t trained by Freddie Roach yet, he holds on for his dear life, and Hussein throws him, and he went down again. I said to the opponent, ‘Hey, you don’t do this.’ You know, I was prolonging the fight. ‘You don’t do that. Okay, judges, point deduction,’” pagbabahagi pa ni Carlos.

Isiniwalat pa ni Carlos na nagwagi si Manny Pacquaio sa laban kay Hussein by TKO dahil ni rule out niya ang paghe-head butt ni Manny sa kalaban.

“[B]ecause he is shorter he headbutted the other guy and there is a cut, but I declared it a punch. If there is a headbutt you have to stop the fight and declare to the judges a point deduction, but I didn’t do that, meaning the fight could continue. [The cut] is not really big—but I never got the doctor to check it [because] I want to see it serious,” pag-amin pa nito.

Samantala, wala pang ipinalabas na pahayag si Manny Pacquiao hinggil sa pagbubulgar na ito ni Carlos.

AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan Nagtungo sa Las Vegas Para sa Kanilang Renewal Of Vows!

Walang komento


 Nagtungo sa Las Vegas ang mag-asawang AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan upang isagawa ang kanilang renewal of vows.

Nitong myerkules, November 30, ibinahagi  ni AiAi sa kanyang Instagram post ang paglipad nila sa Las Vegas.

“To Las Vegas… for our renewal of vows and para sa happy bday ng aking asawa,” saad ni AiAi sa caption ng kanyang Instagram post.

Nagbigay din ng sweet message si AiAi bilang advance greeting sa kaaraawan nito. 

“I will always love you my husband. Advance happy bday @gerald_sibayan… Tom will be a special day wohooooo.”


Lolit Solis Tinawanan Lamang Ang Reklamo Ni Jennylyn Mercado Tungkol sa Nabiling Karne!

Walang komento


 Naging mainit na usapin sa social media ang pagrereklamo ni Jennylyn Mercado tungkol sa nabili niya karne sa S&R Supermarket.

Makikita sa ibinahaging larawan ni Jennylyn ang sirang karne na nabili umano niya sa nasabing supermarket.

Dahil rito nagbigay ng honest opinion si Manay Lolit Solis at pinagsabihan ni Jennylyn. Ayon kay Manay Lolit Solis, hindi kapani-paniwala ang ganitong pangyayari. Kapag namimili umano sa supermarket ay imposibleng hindi muna tinitingnan kung ano ang inilalagay mo sa cart.

"Natatawa ako sa issue ni Jennylyn Mercado tungkol sa 'bad' meat na nabili raw niya sa S&R, Salve. Parang hindi totoo dahil usually pag bumibili ka sa supermarket, tinitignan mo ang inilalagay mo sa cart. Imposible naman na doon pa lang sa supermarket, hindi niya na-check ang lagay ng karne na binili niya. Dapat doon pa lang kung may reklamo ka ginawa mo na agad diba?" pahayag ni Manay Cristy sa kanyang Instagram post.

"Bakit inuwi mo pa sa bahay tsaka ka nag-reklamo. Ang hirap din kasi na nalalagay sa isang hindi magandang sitwasyon ang isang malaking supermarket na tulad ng S&R. Ang hirap din burahin kung ganyan nakalagay na agad sa social media ng hindi man lang nakukuha ang panig nila. Pero ang talagang questionable, how come na kung pangit na hitsura ng karne, kinuha at inuwi pa sa bahay saka nag reklamo," dagdag pa ni Manay.

Samanta, sa kabila ng pagrereklamo ni Jennylyn Mercado nagtitiwala pa rin si Manay Lolit Solis sa S&R Supermarket.

Vina Morales Ipinakilala Na Ang Lalaking Kasama Sa Kanyang Bora Vacation!

Walang komento


Nagbigay na ng ilang detalye ang singer-actress na si Vina Morales patungkol sa lalaking kasama niya sa kanyang pagbabakasyon.

Sa isang episode ng Magandang Buhay, inamin ni Vina na masaya at inspired siya ngayon dahil sa lalaking nakasama niya sa kanyang vacation.

Ayon kay Vina, magkakilala na sila 21 years ago. Una umano silang nagkita sa Hawaii at muli silang pinagtagpo sa kanyang kamakailang Miami tour.

"Ako naman ay masaya. Inspired ako and kinikilig, tumitibok ang puso ko. It's been a while, parang ang tagal na. I don't want to give so much details but then na-post ko rin sa IG ko 'yon na I met him 21 years ago. So 'yung story namin is parang teleserye din. I met him when I did a show in Hawaii 21 years ago, wala pa akong Ceanna," saad ni Vina Morales.

Dagdag pa niya, "We've been in touch. And then bigla na lang I don't know itong trip ko na ito, itong tour, he watched my show in Miami. And then doon na nag-start lahat, ulit. All the time he's always been in touch, e-mail, hindi ko lang nababasa masyado, pati sa Instagram parang ganun. But he is really a nice guy. I am praying. Let's see where God will lead us, bahala na. Hindi pa natin alam kung saan, basta pampapakilig okay na 'yon, paminsan-minsan mag-post."

Jane De Leon Nag Positibo Sa Sakit Na Dengue at UTI!

Walang komento


 Malungkot na ibinahagi ng Darna actress na si Jane De Leon ang kanyang medical conditions.

Ayon sa post ni Jane, hindi siya active ngayon sa social media dahil kasalukuyang siyang nakikipaglaban sa sakit.

Nagpositibo si Jane De Leon sa Dengue Fever at Urinary Track Infection (UTI).

"Hi everyone! Sorry if I'm not active lately. I'm still sick. I was tested positive with dengue and UTI. I won't be able to reply but I promise to see you guys soon. Thank you for all the prayers," paglalahad ni Jane sa kanyang Instagram stories.

Matatandaang, nito lamang nagdaang linggo ipinagdiriwang ni Jane De Leon ang kanyang 24th birthday.



Charo Santos Nais Mapabilang Sa Mga Pelikula at Series sa Pagtatapos Ng MMK!

Walang komento


 Labis na nagpapasalamat si Charo Santos sa mga taga-subaybay ng Maalaala Mo Kaya sa loob ng 31 years.

"What can I say? I can only say thank you. Thank you so much for all the years that they've supported 'Maalaala Mo Kaya.' At saka nakakataba ng puso na we're on our last two episodes ay talagang lungkot at panghihinayang ang naririnig mo sa avid fans ng programa. But you know ganoon ang buhay. Life goes on," paglalahad ni Charo sa isang panayam.

Sinabi rin ni Charo na nabili na ng Africa ang MMK kaya dina-dub nila ito ngayon sa English. Hiling din ngayon ni Charo na sana ay magustuhan ng African audience ang MMK upang lalo pa itong lalaganap sa iba't-ibang parte ng mundo.

Samantala, sa pagwawakas ng MMK hangad ni Charo na mapabilang sa mga pelikula at series.

"Gusto kong gumawa ng pelikula. At saka sana ay may serye na dumating, hindi ba?" pahayag nito.

Nitong November 21 isinapubliko ni Charo na ilalabas ng MMK ang last episode nito ngayong December. Matatandaang unang napanood ang MMK sa telebisyon noong 1991.

Vina Morales May Balik Na Sa Pakikipag-Date!

Walang komento


Tila may bagong lalaki si Vina Morales sa kanyang buhay.

Nagbabahagi ang batikang aktres at singer ng mga larawan na nagpapakita ng kanyang bakasyon sa Boracay na tila nag-e-enjoy kasama ang isang hindi pa pinakilalang lalaki.

Makikita naman sa isa sa mga larawan, si Vina all cozied up with her rumored boyfriend habang nasa isang dinner date malapit sa beach.

“Toasting to what I’m thankful for. Happy thanksgiving!” caption ni Vina sa kanyang Instagram post.

Sa ibang Instagram post, ibinahagi naman ni Vina ang moments nila ng kanyang rumored boyfriend habang nakasakay sa clear kayak. Maging sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi rin ni Vina ang iba pa nilang adventures sa bora.

Matatandaang, naghiwalay sina Vina Morales at kanyang French boyfriend noong 2017 matapos ang dalawang taon na pagdi-date.

Xian Gaza Sinabihang Bida-Bida Masyado Ni Ricci Rivero!

Walang komento


Agad na nagreact si Ricci Rivero sa ibinahaging post ni Xian Gaza pa tungkol sa kanyang girlfriend na si Andrea Brillantes. Kung saan tinawag ni Ricci na masyado lamang bida-bida si Xian Gaza.

Nitong Lunes, November 28, 2022 tila si Andrea Brillantes naman ang napagdiskitahan ni Xian Gaza sa kanyang Facebook post.

“For the last one year eh maraming beses kong tsinismis si Andrea Brillantes. Punta kaya ako sa meet & greet niya dito sa Dubai para mabwiset. Pila ako with face mask tapos kapag turn ko na bulagaaa nyeeeaaaaam hahaha badtrip siguro yon,” pagbabahagi ni Xian sa kanyang Facebook post.

Agad namang ibinahagi ng nobyo ni Andrea Brillantes sa kanyang Instagram stories ang screenshots ng nasabing post ni Xian kalakip ang caption na, "Hahaha bida-bida masyado."

Agad naman itong nakarating kay Xian at muling bumwelta na kinakabahan si Ricci dahil sa kanyang kapogian.

“MAY KINABAHAN HAHAHAHAHA AMPOGI KO TALAGA,” saad ni Xian kalakip ang screenshots naman ng IG story ni Ricci Rivero.

“MAY MOTIVATION NA KO NGAYON PARA GAWIN ANG PLANO HAHAHAHAHA. Parang batang aagawan ng candy ihh hahaha. Meet & Greet lang eh? Ang hirap talaga maging pogi. Matatakot talaga yung jowa at baka maagaw mo. Pogi problems,” pang-aasar pa ni Xian.


Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo